Gamot sa Pantal na Tunay na Mabisa

Madalas ka bang abalahin ng pantal sa katawan? Nakakainis hindi ba? Naaantala lahat ng mga pang-araw-araw na gawain. ‘Cause of delay,’ ika nga. Kapag nangyayari sa iyo ito, ano ang ginagawa mo? Maraming mga dahilan ang pamamantal ng katawan. Napakarami ring ibig sabihin ng pagkakaroon ng pantal. Importanteng alam mo kung ano-ano ang mga ito para makasiguro ka sa gamot sa pantal na gagamitin, iinumin o ipapahid.

Ang pantal ay tinatawag ding ‘tagulabay’. Ang laki at hugis ng pantal sa balat ay hindi pare-pareho. Kung tutuusin, ang pantal ay pangkaraniwang sakit lamang. Pag may nakitang mapula at nakausling balat, kadalasan, hinahayaan lamang. Para sa iba, ang pantal o rashes ay hindi naman maituturing na uri ng sakit. Sa halip, ito ay isang klase ng sintomas ng sakit sakit sa balat kung saan, ito ay palaging may kasabay na pamamaba at pagbabago ng kulay ng balat.

Normal o ordinaryo na lamang ang paglitaw ng mga pantal sa isang indibidwal na may alipunga o eksama. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng pantal ay sanhi ng mga impeksiyon sa balat gaya ng fungi, virus o bakteriya. Mayroong mga gamot sa pantal na nabibili over the counter. Pero dapat tandaang ang pagkakaroon ng pantal at hindi naaalis sa nang ilang araw na, at hindi pa malaman ang naging sanhi, ay kinakailangan na ng tulong ng doktor.

Mga sanhi ng pamamantal

Katulad ng nabanggit na, maraming puwedeng maging dahilan ang pagkakaroon ng pantal. Iba’t-iba rin ang mga sintomas na maaaring maranasan. Bago pa man malaman kung ano ang mga sintomas at maaaring gamot sa pantal, mahalagang malaman muna kung bakit namamantal ang isang tao. Narito ang mga kadahilanan:

  • Pagsuot ng damit na gawa sa sedang
  • Napadikit ang balat sa grasa
  • Napadikit ang balat sa langis
  • Reaksiyon sa ilang mga gamot na iniinom
  • Paggamit ng matapang na sabon at iba pang pampahid sa balat
  • Nasobrahan sa pagkakamot
  • Dulot ng stress

Gamot sa pantal ng bata dahil sa diaper

May baby ka ba? Tiyak na alam mong pangkaraniwan na lamang sa mga sanggol ang namamantal nang dahil sa diaper. Napakadali lang malaman o matukoy kung si baby ay my pantal dulot ng diaper o mas kilala sa tawag na ‘diaper rash.’ Ang mga pantal na ito ay matatagpuan sa bahagi ng katawaan kung saan isinusuot ang diaper. Kadalasan, ang balat ng bata ay namumula at namamaga. Kaugnay nito, ang mga pantal ay posibleng kumalat sa puwet at ari ng sanggol. Ito rin ay puwedeng umabot hanggang sa singit ni baby. Naranasan na ba ng anak mo ito? Tiyak na gustong-gusto mo nang malaman ang tamang gamot sa pantal para dito.

Sandali lang. Bago pa man bigyan ng rekomendasyon ang problemang ito sa balat ni baby, hayaan mo munang turuan ka naming pangalagaan ang mga pantal dulot ng pagsusuot ng diaper. Ang tamang pag-aalaga sa balat ni baby sa bahaging may diaper ang pinakamabisang gamot sa pantal dulot ng diaper rash. Narito ang mga maaari mong gawin upang matulungang bawasan at mapabilis gumaling ang pantal ng sanggol:

  • Madalas na pagpalit ng diaper ni baby kaysa sa normal
  • Hugasan ang bahagi ng balat na namamantal ng sabong may banayad na tapang lang at patuyuin ito sa hangin.
  • Huwag munang suotan ng diaper si baby matapos hugasan ang kaniyang pantal.
  • Patuyuin ang kaniyang pantal sa hangin nang di bababa sa isang oras.
  • Iwasang gumamit ng baby wipes dahil may taglay na alcohol ang ganitong mga pamunas na puwedeng makapagpa-grabe ng kundisyon ng balat. Palaging hugasan ang bata gamit ang malinis na tubig.
  • Huwag munang pakainin si baby ng mga pagkaing makakapag-trigger sa pamamantal.
  • Kung ang pantal ng baby ay sanhi ng allergy, huwag nang gamitin ang produktong naging dahilan ng pamamantal.
  • Kung ang pamamantal naman ay dulot ng impeksiyon sa katawan, maaari itong gamutin ng gamot sa pantal gaya ng ointment, na nabibili over the counter.

Mga natural na gamot sa pantal na sadyang mabisa

Kadalasan, ang pantal ay pangkaraniwang sakit na lamang. Kaya naman ang panglunas dito ay hindi rin naman komplikado. Sa katunayan, may mga natural na paraan para sa gamot sa pantal na maaaring subukan. Halimbawa na lamang ang mga sumusunod:

  • Coconut oil o langis ng niyog – sa pamamagitan ng dahan-dahang pagpahid ng coconut oil sa paketadong bahagi ng balat, maiibsan ang pamamantal. Pagkapahid ng oil, iwanan lamang ito ng ilang oras. Ulitin ng 2 beses kada araw hanggang sa tuluyan nang mawala ang mga pantal.
  • Baking soda – Ang alkaline content nito ay nakapagpapaginhawa sa balat at nababawasan din ang iritasyon at pangangati. Sa panahong ginagamot ang pantal gamit ang baking soda, makakaramdam ang balat ng paglambot at nababawasan din ang pangangati.
  • Aloe vera o sabila – Mayroong taglay na gel ang sabila na siyang nagpapabilis ng healing process ng pantal. Ito rin ay may moisturizing element at pangontra sa pamumula ng balat. Tunay ngang ligtas gamitin ang sabila lalo pa’t ito ay napakahusay na gamot sa pantal.
  • Turmeric o pinulbong luya – ang curbumin ay napaka-importanteng bioactive na sangkap na makikita sa turmeric. Ito ay may taglay na elementong pangontra a pamumula ant antioxidant. Higit sa lahat, ang turmeric ay nagtataglay ng anthihistamine properties na pinakamabisang natural na remedyo para gamutin ang pantal.
  • Green Tea – Ito ay may polyphenols na nakakapagpabawas ng pamamaga na nagiging sanhi ng pamamantal. Ang green tea ay nagtataglay din ng antihistamine at antioxidant na numero unong nagpapagaling ng pantal at pangangati.
  • Lotion – Hindi lahat ng klase ng lotion ay nakapagpapagaling ng pantal. Kailangan, calamine lotion ang gamitin dahil ito ay gumaganap bilang protectant at astringent sa balat. Ito ay may mga sangkap na nakapagpapabawas ng pangangati o itchiness.

Ilan lamang ang mga ito sa maaaring puwedeng gamitin para maibsan hanggang sa tuluyan ang mawala ang mga pantal a balat. Bagama’t normal na lamang ang pagsulpot ng pantal sa balat, hindi naman ito dapat ipagwalang-bahala. Kapag nagkaroon na ng ganito sabalat, kumalat na at iba na ang pakiramdam, mainam na kumonsulta na sa doktor. Huwag munang gagamit o iinom basta-basta ng gamot sa pantal hangga’t hindi nasusuri ng doktor kung anong klase ng pantal mayroon ka o ang sanggol sa inyong pamilya.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top