Mga Gamot sa Hadhad na Maaaring Subukan

Nakaranas ka na ba ng discomfort nang dahil sa hadhad? Sa salita nalang, parang kadiri, di ba? Pero alam mo ba kung ano talaga ang sakit na ito? Bago ka mandiri o mag-isip ng kung ano-ano pa, importanteng malaman mo muna kung ano ang sakit na ito, sanhi, sintomas at tamang pangangalaga ng balat. Mahalagang malaman mo rin kung ano ang tamang gamot sa hadhad na maaaring subukan. Ang hadhad ay tinatawag ding Ringworm. Pero hindi nanggagaling ang sakit na ito sa bulate. Ito ay isang uri impeksiyon na nanggagaling sa fungus sa buhok, kuko at balat.

Apektado ng hadhad ang balat sa singit, sa puwet, maging sa ari ng tao. Ito ay nagdudulot din ng pangangati at pamumula, at kadalasang korteng singsing sa mga naturang bahagi ng katawan. Madalas, ang hadhad ay nararanasan ng isang kabataang lalaki dulot ng kaniyang mga regular o pang-araw-araw na gawain katulad na lamang ng sports at iba pang mga pisikal na aktibidad. Maaaring pangkaraniwan na lamang ang sakit na ito, kung pakikinggan. Ngunit napakahalagang may alam na mas marami pang impormasyon tungkol dito. Ang kaalamang madidiskubre mo rito ay makatutulong upang matutunan mo rin ang mga angkop na gamot sa hadhad na maaari mong subukan.

Mga sanhi ng hadhad

Base sa pag-aaral, ang sanhi o dahilan ng hadhad ay nanggagalng sa iba’t-ibang klase ng fungi na nagkakaroon ng tsansang makapagdulot ng hadhad lalo na kung mainit ang panahon at nababasa ng pawis ang singit. Dulot nito, ang mga indibidwal na madalas makaranas ng ganitong sakit sa balat ay ang mga kabataang involved sa sports. Sa ingles, tinatawag din ang sakit na ito na ‘jock itch’. Ang basa o pawisang brief oo shorts na hindi agad napapalitan ang maaaring makapagdulot ng hadhad.

Katulad ng nabanggit na, ang fungus ang siyang nagiging sanhi ng hadhad. Pero alam mo bang normal lang na mayroong fungus sa ibabaw na layer ng ating balat? Puwedeng magdulot ng impeksiyon sa balat ang fungus, pero maaari rin namang hindi. Sino-sino nga ba ang maaaring makakuha ng ganitong impeksiyon sa balata? Kahit sino puwedeng magka-hadhad lalo na kung sila ay madalas gumamit ng:

  • Public shower
  • Swimming pool
  • Locker room

Ang mga ito ay nakapagpapataas ng panganib at tsansang makakuha ng sakit na hadhad.

Mga sintomas ng hadhad

Ngayong alam mo nang kahit na sino ay maaaring magkaroon ng hadhad, tiyak na interesado ka nang malaman kung ano ang gamot sa hadhad na puwede mong subukan. Bayo iyan, alamin mo muna ang mga sintomas para matiyak kung hadhad nga ba ang dumapo sa iyo o simpleng pangangati lamang ng balat. Narito ang mga senyales na posibleng may hadhad ka nga:

  • Nangangati ang singhit
  • Mahaptdi ang singit
  • Namumula o nangingitim ang singit
  • Nagkakaroon ng pantal-pantal o butlig-butlig
  • Nanunuklap ang balat ng singit

Kung ang ga naturang sintomas ay hindi bibigyang-pansin o pababaayan, puwedeng lumaki ang parte ng singit na naaapektuhan ng hadhad.

Gamot sa hadhad

Kung kumpirmado ngang may hadhad ka dahil sa mga nabanggit na sintomas, ito na ang tamang oras para sa gamot sa hadhad. Dahil nga ang dahilan ng hadhad ay fungus, mga ipinapahid na anti-fungal cream katulad ng Terbinafine o Ketaconazole ang mabisang gamot dito. Ang ganitong mga cream ay ipinapahid lamang sa apektadong parte ng katawan o singit sa loob ng 5 hangang 10 araw.

Dahil kumakalat ang hadhad sa basa at mabanas na bahagi ng katawan, importanteng umiwas sa mga ganitong klase ng kundisyon. Panatilihin ang malinis, maaliwalas at tuyong singit. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng araw-araw na paliligo, pagpapalit ng damit nang madalas, at pagsusuot ng damit na komportable at maluwag gaya ng boxer shorts (kaysa brief), para sa mga lalaki.

Mga remedyong pambahay

Bagama’t may mga cream na maaaring ipahid, at paulit-ulit na inirerekomenda ang pagpapanatiling tuyo ng singit, may mga iba pang remedyong natural na maaaring gawin. Simple na, puwede pang sa bahay lamang gawin. Narito ang ilan sa mga home remedies na puwede ring gawin para maiwasan ang pagdapo ng hadhad sa balat:

  • Hugasan at linising mabuti ang singit ng 2 hanggang 3 beses araw-araw gamit ang non-soap na cleanser tulad ng Cetaphil.
  • Huwag hahayaang mairita ang singit.
  • Siguraduhing gawa sa pure cotton ang ginagamit o isinusuot na underwar.
  • Iwasan ang paggamit ng mga fabric softener o mga matatapang na bleach at sabong panlaba.

Sadya ngang epektibo ang mga naturang pamamaraan. Hindi ka na mahihirapan pang hanapin at gawin ang mga ito, wala pang gastos. Ang pagiging malinis sa katawan ay sadya ngang pinaka-mabisang gamot sa hadhad. Sa katunayan, kapag nakagawian na ito, lumiliit ang tsansa ng pagkakaroon ng ganitong klase ng sakit sa balat. Maging ang iba pang klase ng karamdaman ay mahihirapan ding dumapo sa katawan kung ito ay nanantiling malinis.

Iwasan ang hadhad

Ngayon, alam mo na ang gamot sa hadhad na dapat mong ipahid kapag nagkaroon ka nito. Matapos maramdaman o matuklasan ang mga discomfort na paliramdan ng may hadhad, tiyak na ayaw mong dapuan (uli) nito. Narito ang ilang mga paraan para iwasan ang hadhad:

  • Panatilihing malinis ang katawan.
  • Magsuot palagi ng malinis, maaliwalas at tuyong kasuotan.
  • Iwasan ang paghiram ng gamit ng ibant tao katulad na lamang ng tuwalya.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masyadong masikip o mahigpit na damit upang makasingaw sa buong katawan ang init na nararamdaman.

Dapat mong tandaang, ang wastong gamot sa hadhad gaya ng anti-fungal cream ay mabilis umpekto. Ilang araw ka palang nagpapahid nito, makakita ka na ng ibayong pagbabago sa iyong balat. Ibig sabihin, pawala na ang hadhad. Puwede rin namang abutin ng 1 hanggang 2 linggo ang hadhad, bago ito tuluyang mawala. Depende pa rin kasi sa uri ng impeksiyong dumapo sa balat mo ang bilis ng epekto ng kahit pa anong gamot sa hadhad ang ipahid.

Sakaling hindi pa rin nawawala ang hadhad sa kabila ng mga gamot na ipinahid at pagsunod sa mga parmamaraan ng pag-iwas, mainam na kumonsulta na sa doktor. Ang doktor, partikular na ang dermatologist, ang siyang nakakaalam ng mga dapat gawin. Siya ang eksperto pagdating sa tamang gamot sa hadhad na susubukan o gagamitin para sa ibayong paggaling ng sakit.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top