Ang trangkaso o flu ay isang sakit sa paghinga na dulot ng virus na Influenza. Ang trangkaso ay maaaring gumaling kahit walang gamot, pero maaari rin itong magdulot ng seryosong mga kumplikasyon. Tiyak na minsan sa buhay mo ay tinrangkaso ka na. Sobrang bigat sa pakiramdam, hindi ba? Halos hindi ka na makabangon sa tindi ng nararamdaman at ang nais mo ay humiga na lamang palagi. Pero, bagama’t ganito ang nararanasan, ang trangkaso ay itinuturing na lamang na isang pangkaraniwang sakit lalo na nating mga Pinoy dahil halos lahat na yata ng tao dito sa bansa, maging sa buong mundo
Magbasa

Walang pinipiling panahon ang ubo. Tag-ulan man iyan, tag-init o tag-lamig bigla-bigla na lamang umaatake ang sakit na ito. Siguradong agree ka rito dahil minsan (o paulit-ulit) ka nang inubo. Baka nga hindi ka na nawawalan ng gamut sa ubo sa loob ng medicine cabinet o refrigerator mo eh, dahil sa paghahanda sa posibleng pag-ataki ng sakit na ito. Maraming puwedeng dahilan ng pagkakaroon ng ubo. Mula sa pinakasimple at karaniwang sanhi, hanggang sa pinaka-komplikado, importanteng malaman mo ang mga ito. Maging ang mga sintomas, dapat inumin at gawin para lunasan ang sakit, at kung paano ito iiwasan ay madidiskubre
Magbasa

Alam mo ba na ang pneumonia o pulmonya ang itininuturing na Number 1 silent killer ng tao, lalo na ng mga bata? Kumpirmado ito ng World Health Organization (WHO) na nagsabing ang karamdamang ito ang pangunahing dahilan kung bakit napakaraming mga bata sa buong mundo ang namamatay. Sa katunayan, tinatayang aabot sa 150 milyong kaso ng pulmonya na ang naitala ng WHO. Huwag kang mabahala sa sakit na ito bagama’t naturingang silent killer. Tutulungan ka ng artikulong ito para mas maunawaan pa ang sakit, mga sanhi at sintomas nito, paano ito gagamutin, at paano maiiwasan. Ano ang pulmonya? Ang pulmonya
Magbasa

Minsan ka na bang nakaranas ng hirap sa paghinga? Nagpanic ka siguro nung una mo itong maramdaman. Marami ang dahilan ng hirap sa paghinga. Kaya naman ang paggamot dito ay hindi pare-pareho. Minsan nga, hindi naman kailangang gamutin lalo na kung ang sanhi ng discomfort na ito ay dala lang ng panandaliang pagod o nerbiyos na kailangan lang kumalma at uminom ng tubig. Pero hindi rin naman dapag bale-walain ang ganitong kundisyon lalo na kung madalas ang pag-atake ng sakit at lumalala na. Sa artikulong ito, madidiskubre mo ang mga pangkaraniwang sanhi ng hirap sa paghinga, mga dapat gawin at
Magbasa