Ano ang Mabisang Gamot sa Diabetes?

Dahil sa unhealthy lifestyle, stress, at kakulangan sa pisikal na ehersisyo, tumataas ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng diabetes. Kumpara sa ibang karamdaman, ang diabetes ay dahan-dahan lamang kung makaapekto sa kalusugan ngunit, sa kabuuhan, pinapa-ikli nito ang karaniwang haba ng buhay o life span.

Ang diabetes ay maaring namamana o hindi kaya ay lifestyle disease kung saan ang blood sugar level ay masyadong mataas. Dahil ito rin ay isang chronic disease, ang mga apektado nito ay habang buhay ng kailangang uminom ng gamot sa diabetes. Mahalagang tandaan na mahirap tuluyang tumigil sa pag-inom ng gamot sa diabetes lalo na kung masyadong mataas ang sugar sa iyong dugo ngunit, maari mong isama ang mga sumusunod na natural remedy na ito upang mas mapababa pa ang iyong sugar levels.

1. Ampalaya o Bitter Gourd

Ang ampalaya ay mayaman sa insulin-polypeptide-P na nakakatulong upang mapababa ang hyperglycemia (mataas na blood sugar). Bukod pa rito, ito rin ay may dalawang mahalagang compounds na charatin at momordicin na epektibo sa pagpapababa ng glucose levels.

Paano gamitin:

  • Hiwain ang ampalaya, alisin ang mga buto, at kutsarain ang laman. Ilagay ang laman sa blender hanggang sa maging juice. Uminom ng isang baso araw-araw tuwing umaga habang wala pang laman ang sikmura.

2. Fenugreek

Ang fenugreek ay nakakatulong upang makontrol ang diabetes, ma-improve ang glucose tolerance, mapababa ang blood sugar levels, at mas mapataas ang dami ng glucose-dependent insulin.



Get your quote for family health insurance in the Philippines.

On smartphone only. Otherwise just text your name to 0919 8592787.

Paano gamitin:

  • Ibabad ang 2 kutsaritang buto ng Fenugreek sa tubig magdamag. Inumin ang tubig na pinagbabaran kasama ang mga buto nito kinabukasan ng walang laman ang sikmura upang bumaba ang glucose level.
  • Maari rin ihalo ang fenugreek seed powder sa mainit o malamig na tubig o maging sa gatas.

3. Dahon ng Mangga

Ang fresh na dahoon ng manga ay epektibong home remedy sa pag-manage ng diabetes.

Paano gamitin:

  • Hugasan ng maigi at ibabad sa araw ang mga nakuhang dahon ng mangga. I-grinder hanggang sa maging powder. Ihalo sa tubig at inumin umaga’t gabi araw-araw.
  • Maari rin pakuluaan ang dahon ng mangga at ibabad sa baso ng tubig magdamag. Inumin ang tubig kinabukasan ng walang laman ang sikmura.

4. Aloe vera

Ang Aloe vera ay karaniwang halaman na makikita sa bakuran. Marami ang nakakaalam na mainam itong pampaganda ng buhok at balat ngunit, bukod pa rito, ito rin ay nakakatulong upang mapabagal ang paglala ng type 2 diabetes.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2013, ang Aloe vera ay maaring nakakatulong sa pag-ayos ng beta cells sa pancreas o lapay na siyang gumagawa ng insulin. Naniniwala ang mga eksperto na ito’y dahil sa antioxidant properties ng aloe vera.

Paano gamitin:

  • Hiwain ang dahon ng aloe vera, kutsrain ang laman nito at i-blender. Uminom araw-araw.
  • Maari rin uminom ng aloe vera capsules bilang supplements.

5. Dahon ng malunggay

Ang moringa oleifera o malunggay ay epektibong gamot sa diabetes dahil pinapababa nito ang blood sugar levels sa katawan. Ito ay may taglay na nutrients na nagpapataas sa bilang ng insulin. Ang dahon nito ay mayroon ding antioxidants at anti-inflammatory properties.

Paano gamitin:

  • Ihalo ang 50 grams na dahoon ng malunggay sa pagkain. Bukod sa dagdag linamnam, pinapababa rin nito ang blood sugar ng 21%. Maari mo itong ilagay ng fresh tulad ng sa salad o kaya ay i-steamed.

6. Sunlight o sikat ng araw

Sa mga nakaraang taon, nalaman ng mga eksperto na may koneksiyon ang mababang Vitamin D levels sa insulin resistance at diabetes. Ayon pa sa pag-aaral, ang Vitamin D ay may mahalagang gampanin sa produksiyon ng insulin ng katawan. Nangangahulugan itong kung mababa ang iyong vitamin D levels ay mas mataas ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng type 2 diabetes.

Ano ang dapat gawin:

  • Ang vitamin D ay nagmumula sa cholesterol at ito ay naco-convert sa tulong ng sikat ng araw. Magpa-araw tuwing umaga ng 30-minuto upang maiwasan ang Vitamin D deficiency.
  • Idagdag ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin D sa iyong araw-araw na diet gaya ng orange juice, soy milk, keso, yogurt, at cereals.

7. Pag-inom ng tubig

Para sa mga taong may diabetes, ang posibilidad na maging dehydrated ay mas mataas. Upang mabawasan ang glucose, susubukan ng kidneys o bato na ilabas ito sa ihi. Ang prosesong ito ay nangangailangan ng tubig. Kaya kapag mataas ang iyong blood glucose, mas marami rin ang tubig na dapat mong inumin. Ito ang dahilan kung bakit ang madalas na pagkauhaw ay isa sa mga sintomas ng diabetes.

Ano ang dapat gawin:

  • Uminom ng 2.5 litro ng tubig araw-araw

8. Acupuncture

Ang Acupuncture ay isang alternatibong paraan ng pagagamot kung saan tinutusok ng maliliit na karayom ang iba’t ibang specific points sa katawan. Ayon sa ilang scientists, ang acupuncture ay nakakatulong sa paglabas ng natural painkillers ng katawan. Ito ay nagbibigay ginhawa sa mga taong may chronic pain at nerve damage na dulot ng diabetes.

Iba pang gamot sa diabetes:

1. Metformin

Kadalasan, Metformin ang unang gamot na irinereseta sa mga may type 2 diabetes. Pinapababa nito ang produksiyon ng glucose sa atay at nagiging mas mabisa ang paggamit ng katawan ng insulin.

Pagkaduwal at diarrhea ang maaring side effects ng pag-inom ng metformin. Ang mga ito ay unti-unti ring mawawala kapag nasanay na ang iyong katawan sa gamot o di kaya’y inumin ito na may kasamang pagkain. Kung ang pag-inom ng metformin at pagbabago ng iyong lifestyle ay hindi pa rin sapat upang makontrol ang iyong blood sugar, maaring magdagdag pa ang iyong doktor ng iba pang gamot.

2. Insulin

Ang ilang may type 2 diabetes ay nangangailangan ng insulin therapy. Noon, ang insulin therapy ay ibinibigay lamang kapag wala ng epekto ang iba pang gamot, ngunit ngayon ay mas maaga na itong irineresta dahil sa mga benepisyo nito. Ang mababang blood sugar (hypoglycemia) ay isa sa magandang epekto ng insulin.

Ang insulin ay ini-inject sa katawan. Depende sa iyong pangangailangan, maaring mag-reseta ang iyong doktor ng iba’t ibang uri ng insulin na iyong gagamitin sa umaga at gabi.

Mahalagang tandaan:

Ang diabetes ay nangangailangan ng habang buhay na gamutan. Marami ang nakakaapekto sa sakit na ito at hindi irinerekomenda ang self-medication. Bago simulan ang mga home remedy, magpatingin muna sa iyong doctor at tanungin ang pinakamainam na gamot sa diabetes para sa iyo.



Get your quote for family health insurance in the Philippines.

On smartphone only. Otherwise just text your name to 0919 8592787.