Ano Ba Ang Epektibong Gamot Sa Dyspepsia?

Ang dyspepsia ay ginagamot sa pamamagitan ng over-the-counter na mga gamot. Kung ang mga sintomas ng dyspepsia ay hindi naman masyadong malala, ang natural na mga lunas na maaaring gawin sa bahay ay maaaring maging epektibo na panlaban sa sakit na ito.

Naranasan mo na bang magka-dyspepsia? Mas mabuti sigurong tanong ang: ‘Alam mo ba kung ano ang dyspepsia?’ Kapag alam mo kung ano ang karamdamang ito, mas masasagot mo ng sigurado ang unang tanong. Hindi kasi lahat ng tao ay pamilyar sa sakit na ito.

May ilan pa ngang mga nagbibiro ng “Kinakain ba iyon?” sa tuwing sila ay natatanong kung alam nila ang karamdamang ito. Nakaka-relate ka ba dahil is aka sa mga nagbiro ng ganito noon? Huwag mag-alala. Kung wala kang kaalam-alam sa Dyspepsia, tutulungan ka ng artikuong ito para mas maunawaan mo kung ano ang karamdamang ito.

Mas malalaman mo rin kung ano ang mga gamot na dapat inumin at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang Dyspepsia?

Ang Dyspepsiya o tinatawag ding indigestion ay isang ordinaryong sakit na nagdadala ng mga sintomas kagaya ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pangangasim ng sikmura at pagtatae. Ito rin ay nagdudulot ng madalas na pagkaramdam ng pagkabusog kahit na kaunti lang ang kinakain.

Madalas na ginagamit ang salitang Dyspepsia para maipaliwanag ang mga indikasyong nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam, bigat ng pakiramdam o pananakit ng tiyan. Halos lahat na yata ng tao sa mundo ay nakaranas o may posibilidad na makaranas ng sakit na ito. Kadalasan, ito ay nagaganap habang kumakain o pagkatapos na pagkatapos ng pagkain.

Kadalasan mang hindi mapapanganib ang kondisyon, mainam na maiwasan na ang ganap na pagdanas nito. Paano? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa at marami kang matutuklusan tungkol sa Dyspepsia – ano ito, mga sanhi at sintomas nito, at kung paano ito gagamutin at maiiwasan.

Ano ang sanhi ng Dyspepsia?

Ang mga pagkain at inuming kinokonsumo ng isang tao ang madalas na nagiging dahilan ng pagkakaroon niya ng Dyspepsia.

May dalawang paraan kung paano gamutin ang indigestion. Ito ay ayon sa lala ng discomfort na nararamdaman sa tiyan. Karaniwang nagiging sanhi ng Dyspepsia ang mabilis na pagkain at pagkain ng marami. Maging ang pagkain ng maaanghang at matatabang pagkain ay makapagdudulot din ng indigestion.

Kung ikaw ay mahilig uminom ng kape, soda o alcohol at madalas kang kumain ng tsokolate, maaari ka ring makaranas ng Dyspepsia.

Narito ang ilan pa sa mga sintomas ng naturang karamdaman:

  • Pamamaga sa loob ng tiyan o Gastritis
  • Matinding nerbiyos
  • Sobrang taba sa katawan
  • Pancreatitis o namamagang mga pancreas
  • Ulcer
  • Sobrang paninigarilyo

Ano ang mga sintomas ng Dyspepsia?

Ilan sa karaniwang mga sintomas ng dyspepsia ay ang pananakit ng tiyan at pakiramdam na ikaw ay busog na kahit kakaunti pa lamang ang iyong nakakain.

May iba’t-ibang sintomas ang Dyspepsia. Bagama’t ordinaryo nang karamdaman, hindi dapat bina-balewala ang sakit na ito. Mahalagang malaman mo ang mga ito upang malaman mo kung ang discomfort na nararamdaman mo ay isa ngang uri ng indigestion.

Kapag alam mo kung ano ang mga indikasyon ng Dyspepsia, madali mo ring malalaman kung ano ang mga dapat mong inumin bilang gamot. Madidiskubre mo rin kung paano maiiwasan ang sakit. Narito ang ilang mga sintomas:

  • Panghihina ng katawan
  • Madalas at kakaibang sakit ng tiyan
  • Pakiramdam na madalas na pagkabusog
  • Madalasa kabagan
  • Naninilaw ang mata at balat

Ano ang gamot sa Dyspepsia?

Ang gamot sa dyspepsiya ay maaaring sa sintetiko o natural na pamamaraan. Kung ang nararamdamang sintomas ay hindi naman masyadong malala, maaaring natural remedyo lamang ang panlunas.

Isa na sa mga natural na pamamaraang ito ay ang pagbabago ng mga nakagawian na. Iwasan na ang pagkain mga maaanghang at matatabang pagkain, maging ang pag-inom ng caffeine, alcoholic beverages at pagkain ng tsokolate.

Isa pang epektibong natural na remedyo ang pagtulog ng pito hanggang walong oras kada gabi. Ito ay nakakatulong sa pag-aayos ng indigestion. Mag-exercise nang tama araw-araw at itigil na ang paninigarilyo para maging mas maayos ang panunaw sa pagkain nang ga gayon ay makaiwas sa indigestion.

Kapag naman medyo malala na ang nararamdamang indigestion, kailangan nang kumonsulta sa doktor. Siya lang ang may alam kung anong tamang gamot ang dapat inumin base sa sintomas na nararamdaman mo, o sa mga tests na ginawa sa iyo. Ilan sa mga gamot na ito ay ang mga sumusunod:

  1. Antacids gaya ng Alka-seltzer, Rolaids, Mylanta, Roipan at Maalox
  2. H-2 receptor antagonists tulad ng Tagamet, Zantax, Axid at Pepcid

Ang mga gamot sa dyspepsia na ito ay available over the counter at ang iba naman ay kakailanganin ng reseta ni dok! Hind lahat ng gamot na irereseta o iinumin mo ay ganap na makapagpapagaling sa iyo ng mabilisan.

May mga mga pagkakataon ding makakaranas ka ng mga side-effects katulad ng panghiniha, pagsakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka, at pagtatae. Kapag nakaramdam ng alin man sa mga ito patapos inumin ang isa sa mga gamot na nabanggit, ipaalam kaagad sa iyong doktor.

Paano makaiiwas sa Dyspepsia?

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber at gulay ay siyang pangunahing paraan upang makaiwas sa sakit na dyspepsia o indigestion.

Kung hindi ka pa nakakaranas ng Dyspepsia ni minsan man sa buhay mo, siguradong ginagawa at gagawin mo ang lahat huwag lang maranasan ito. Para naman sa mga nakaranas na nito, malamang din, ayaw mo nang magkaroon pa ng Dyspepsia uli.

Good news! May mga paraan para maiwasan ang sakit na ito. Unang-una na sa mga pamamaraan ang change of lifestyle lalo na sa paraan ng pagkain. Ibig sabihin, kumain ng wastong pagkain at iwasan ang lahat ng mga nabanggit na pagkain, inumin at bisyo upang hindi maapektuhan ang panunaw o digestive system mo. Kapag naman kumakain, ugaliin ang pagnguya ng mabuti ng mga kinakain para mas madali itong matunaw.

Ang ganitong mga hakbang ay tiyak na makatutulong para mapigilan ang pagpasok ng hangin sa iyong sikmura at mabawasan ang nararamdamang bigat nito sa tuwing tutunawin ang pagkain.

Narito naman ang ilang mga pagkaing makabubuti sa iyo para maiwasan mo ang sakit na Dyspepsia:

  1. Mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng oatmeal at wheat bread
  2. Mga gulay, partikular na ang lettuce at iba pang mga green leafy vegetables
  3. Egg whites o puti ng itlog
  4. Maraming tubig

Isa ang sakit ng tiyan sa mga sintomas ng Dyspepsia. Maiiwasan ang pagsakit ng tiyan kung susubukan o uugaliin mo ang pagkain o pag-inom ng dalawang ito:

  1. Luya – Ito ay isa sa mga pinaka-epektibong solusyon pagdating sa sakit ng tiyan dahil ang luya ay may taglay na anti-inflammatory element.
  2. Tubig, baking soda at lemon juice – Ang mixture na ito a nakakagawa ng carbonic acid na siyang tumutulong na mabawasan ang gas, maging sa hindi pagkatunaw ng kinain.