Ano Ba Ang Mainam na Gamot sa Acidic?

Ang pag-iwas sa mga pagkaing acidic ang pinakamabisang gamot sa hyperacidity o pagiging acidic. Ang pag-inom ng over the counter na gamot tulad ng Kremel-S ay siyang pinakamabisang pangunang lunas sa sakit na ito.

Maraming na sa mga Pinoy ngayon ay nakakaranas ng hyperacidity. Ang tawag sa mga taong nakakaramdam nito ng regular ay acidic. Ang pagiging acidic ay isang kundisyong nararanasan, hindi lamang ng mga Pinoy, kundi pati ng lahat ng tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Maging ikaw ay may malaking tsansa na magkaroon ng hyperacidity. Kaya naman importanteng malaman mo kung ano talaga ang sakit na ito, saan at paano ito nakukuha at paano ito magagamat. Mahalaga ring alam mo kung paano ka makakaiwas sa pagiging acidic.

Ano ang acidic?

Ang pagiging acidic ay isang kundisyon na kung saan, ang mga asidong panunaw sa sikmura ay umaakyat pabalik ng esophagus na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng heartburn at pangangasim.

Ang pasukan patungo sa sikmura ng isang tao ay isang balbula o pabilog na kalamnan na kung tawagin ay LES o lower esophageal sphincter.

Sa ordinaryong kondisyon, mabilis na magsara ang LES sa mismong pagkakataong tapos nang dumaan ang pagkain sa naturang balbula. Kapag hindi maayos na nagsara ang LES o kaya naman ay madalas itong nakabukas, ang naiipong acid sa loob ng sikmura ay puwedeng lumabas patungong esophagus. Ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon o pagdanas ng sintomas gaya ng heartburn o paghapdi ng sikmura.

Kung ang mga senyales hyperacidity ay sumatake o sumumpong ng dalawang beses o mas higit pa sa isang lingo, ang sakit ay maituturing nang acid reflux disease na mas sikat sa tawag na acidic.

Ano ang sanhi ng acidic?

Ang madalas na pagkain ng mga pagkaing maaasim at ang pagkakaroon ng hiatal hernia ay ilan lamang sa pangkaraniwang mga sanhi ng pagiging acidic.

Ang isa sa mga madalas na nagiging sanhi ng pagiging acidic ay ang pagkaramdam ng matinding sakit ng tiyan na tinatawag na hiatal hernia. Ito ay isang uri ng luslos. Nangyayari ito sa kapag ang mataas na parte ng sikmura, maging ang LES ay gumalaw at umakyat papuntang diaphragm.

Ang diaphragm ay ang kalamnan na nagmamanipula sa paghinga at ng organ na nagiging hangganan kapwa ng dibdib at sikmura. Kadalasan, nakatutulong ang diaphragm na mapanatili ang acid sa sikmura.

Ngunit kung ang isang tao ay nakakaranas ng hiatal hernia, ang asidong naipon sa sikmura ay puwedeng tumungo sa esophagus na siyang nagiging sanhi ng mga senyales at indikasyon ng pagkakaroon ng hyperacidity.

Ano ang mga sintomas ng acidic?

Ang pagkakaroon ng heartburn ay siyang pangunahing sintomas ng pagiging acidic. Kasama rin dito ang pangangasim ng sikmura at mapait o maasim na panlasa kapag ito ay umaatakake.

Madalas ba ang pagsakit ng iyong sikmura at nagdudududa kang acidic ka na? Mas makasisiguro ka kung alam mo ang mga sintomas ng pagiging acidic.

Narito ang ilang mga indikasyon:

  1. Heartburn: Ikaw ay makakaranas nito kung ikawy ay nakakaramdam ng paghapti mula sa iyong sikmura patungong dibdib. Kung minsan, umaabot pa hanggang sa lalamunan ang hapding nararamdaman.
  2. Mapait o maasim na panlasa: Kung minsan, nalalasahan mo na parang may suka ang iyong bibig, malaki ang tsansang acidic ka. Makakaramdam ka rin ng parang may asidong nagmumula sa iyong lalamuna hanggang bibig.

Ilan pa sa mga senyales ng pagiging acidic ang matinding kabag, pagdumi ng may dugo o maitim, o kaya naman ay nagsusuka na may kasamang dugol, madalas na pagdighay, pagsinok at matagal bago ito tumigil, matinding pagkahilo, pamamaos, tunog sipol ang hininga, at namamaga ang lalamunan at hindi ito maalis-alis.

Ano ang gamot sa acidic?

Ang pag-iwas sa mga pagkaing acidic ang pinakamabisang gamot sa hyperacidity o pagiging acidic. Ang pag-inom ng over the counter na gamot tulad ng Kremel-S ay siyang pinakamabisang pangunang lunas sa sakit na ito.

Isa sa mga pinaka-mabisong gamot sa hyperacidity ang pag-iwas sa ilang uri ng mga inumin at pagkain. Ilan din sa mga epektibong dapat gawin ay maituturing na gamot laban sa pagiging acidic. Narito ang ilan:

  • Kumain ng kaunti lamang pero madalas sa isang buong araw.
  • Tigilan na ang paninigarilyo.
  • Dapat na nakaangat ang ulo ng mga apat hanggang anim na pulgada sa tuwing ikaw ay matutulog.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masikip na sinturon at pantalon.
  • Kung ikaw ay mabigat at may katabaan, subukang bawasan ang iyong timbang sa pamamagitan ng balanced diet at regular exercise.

Mainam na kumonsulta sa doktor kung may posibilidad na ang iniinom mong pang-maintenance na gamot ang siyang nagdudulot ng matinding acid sa iyong sikmura. Madalas, ang lifestyle change at pag-inom ng mga gamot sa acidity na nabibili over the counter ay nakaktulong para tuluyan nang gumaling ang hyperacidity.

Paano maiiwasan ang pagiging acidic?

Ang pag-iwas sa mga pagkaing maaasim o acidic ay siyang pangunahing paraan para maiwasan mo ang pagkakaroon ng hyperacidity.

Kung dumaranas ka ng hyperacidity at naghahanap ka ng mga paraan kung paano makakaiwas sa paulit-ulit ha pag-atake nito, huwag mag-alala. Madali lang makaiwas sa pagiging acidic. Unang-una na sa dapat gawin ang pagbabago ng mga gawain.

Dapat ding piliin ang mga kinakain at pagkakaroon ng sapat na tulog. Higit sa lahat, iwasan ang stress. Makattulong ito para maibsan ang panghahapdi ng pakiramdam sa sikmura na dulot ng hyperacidity.

Katulad ng nabanggit na, kumain ng kaunti lamang ngunit dalasan ito. Huwag na huwag kakain ng madalang ngunit marami. Sa halip, kumain ng limang beses sa loob ng isang araw at iwasan ang pagkain ng marami pag gabi.

Narito ang ilan sa mga pagkaing dapat iwasan para makaiwas sa pagiging acidic:

  1. Tsokolate
  2. Citrus fruits at juices na gawa dito kaya ng calamansi, dalandan at orange juice
  3. Sili
  4. Kamatis at mga pagkain at inuming gawa dito
  5. Prito, matataba, maanghang at mamantikang pagkain
  6. Sibuyas, bawang at mga pagkaing mayroon nito

Importante ring magbawas sa pag-inom ng softdrinks, kape, alak at tsaa. Ang mga inuming ito ay mga dahilan ng paglala ng mga indikasyon o sintomas ng pagiging acidic kaya limitahan o lubusang iwasan ang pag-inom ng mga ito.

Narito naman ang mga gawaing dapat iwasan para hindi maging acidic:

Baguhin ang nakasananayan nang kaugalian sa pagtulog. Iwasan ang pagkain bago matulog. Siguruhin lang na dalawa hanggang tatlong oras na ang nakalipas mula nang ikaw ay mag-hapunan. Tandaang, kapag ang isang tao ay nahihiga, hinanatak ng gravity ang ano mang nasa sikmura papunta sa esophagus. Ito ang dahilan kung bakit kailangang kumain ng hapunan ng mas maaga.

Tigilan ang paninigarilyo. Siguro naman, alam mo na ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing nakapag-ti-trigger sa pagiging acidic ng isang tao. Hindi lang naman ang hyperacidity ang nati-trigger ng paninigarilyo. Kahit anong sakit ay maaring palalain nito.

Mag-exercise para makapagbawas ng timbang. Ang sobrang taba ay puwedeng maiugnay sa hyperacidity. Kapag sobrang taba, maaaring makadagdag sa pressure sa iyong tiyan na tumutulak sa pagkain paakyat ng esophagus.

Kapag ikaw ay magbabawas ng timbang, makakaramdam ka ng pagbabago kapag nabawasa na ng hindi bababa sa 10 pounds. Maari kang kumonsulta sa doktor para matulungan ka kung anong klaseng pagbabawas ng timbang ang epektibo para sa iyo.