Gamot sa Buni na Tunay na Epektibo

Madalas nating marinig ang salitang ‘buni’. Siguradong alam mo ito bilang isang uri ng sakit sa balat. Pero bukod dito, ano pang ibang mga impormasyon ang alam mo tungkol sa buni? Kung ang sagot mo ay wala, at nababahala kang baka magkaroon ka nito, huwag mag-alala.

Sa artikulong ito, madidiskubre mo kung ano ba talaga ang buni, ano ang mga sanhi at sintomas nito, at nito. Madidiskubre mo rin ang ilang mga tips mula dito kung paano ka makakaiwas sa pagkakaroon ng buni.

Ano ang buni?

Ang buni o ringworm ay isang klase ng sakit na nagdudulot ng isang uri ng fungi na kinakain ang balat ng tao. Puwede nitong maapektohan ang tao, maging ang hayop.

Maaaring magsimula ang impeksyong ito sa ordinaryong kati-kati lang sa balat na puwedeng kumalat sa ibat-ibang parte ng katawan gaya ng mukha, tiyan, dibdib, ulo, at iba pa.

Ano ang sanhi ng buni?

Kahit sino, puwedeng dapuan ng buni pero madalas, ito ay lumilitaw sa mga batang mahilig mag-alaga ng hayop gaya ng pusa at aso. Ang buni ay dulot ng impeksyong dala ng fungi.

Mas may tsansang magka-buni ang isang taong exposed sa fungus habang basa ang balat at may kaunting sugat ito. Isa ring sanhi ng buni ang paggamit ng pampublikong palikuran o swimming pool. Malaki ang tsansa mo ritong mahawa o makahawa ng buni.

Kung madalas kang naka-paa, may pagkakataong ikaw ay magka-buni sa paa. Kung madalas ka ring manghiram ng damit, suklay o ano pa mang personal na gamit, malaki ang pagkakataong ikaw ay magkaroon ng buni.

Ano ang mga sintomas ng buni?

Ang pagkakaroon ng nakaumbok na bahagi ng balat na hugis singsing ang pangunahing sintomas ng buni.

Maaaring magingiba-iba ang sintomas ng buni at depende pa ito sa parte ng katawang apektado ng mikrobyo. Narito ang ilan sa mga sintomas na dapat mong bantayan para malaman mo kung ikaw ay mayroon (o magkakaroon na) ng buni:

  • Nakaumbok na balat na kulay pula Makati at makaliskis
  • Patse ang balat at mamasa-masa
  • Mas mapupula ang gilid ng patse na animo’y singsing
  • Ang kauna-unahang buni ay lumilitaw sa may bahagi ng kukong makapal na at iba na ang kulay
  • Kung sa anit tumubo ang buni, maaaring maglagas ang buhok dulot ng impeksyon

Kung may naranasan ka na, ilan mansa mga naturang sintomas, mas mabuti kung kokonsulta ka muna sa napagkakatiwalaan mong dermatologist. Siya lamang ang tanging makapagbibigay sa iyo ng epektibong gamot na akma sa buning dumapo sa iyo.

Ano ang gamot sa buni?

Ang buni ay kadalasang nagagamot sa pamamagitan ng pagpahid ng antifungal cream sa apektadong bahagi ng balat na nabibili sa botika.

Maliban pa sa mga gamot na nabibili sa botika, puwede kang gumamit ng mga natural remedies bilang gamot sa buni. Isa na ang akapulko, kilalang halamang gamot sa buni na mabisang panlaban sa mga impeksyong sanhi ng fungus.

Kumuha lamang ng ilang piraso ng dahon nito, dikdikin hanggang sa madurog ang daho at lumabas ang katas. Ipahid ang dahong may katas sa malinis na parte ng iyong katawang nagpapakita ng senyales ng buni. Gawin mo ito ng ilang beses kada araw. Maaari mo ring gawin ang mga sumusunod:

  • Huwag magsuot ng mga damit na puwedeng makapagpalala pa ng sintomas ng buni
  • Labhan ang mga higaan at damit kapag napansin mong may sintomas ka nan g buni
  • Maglinis at magpatuyo ng balat nang maraming ulit sa buong maghapon
  • Huwag palaging magkamot ng balat na ngangangati dahil malaki ang tsansa mong magka-bacterial infection
  • Dumulog sa iyong doktor para sa karampatang gamot sakali mang mangyari ito sa iyo.

Paano makaiiwas sa buni?

Maaari kang makaiwas sa pagkakaroon ng buni sa pamamagitan ng malinis at malusog na mga pag-uugali.

Takot ka ba sa buni? Pwede mo namang maiwasang magkaroon nito. Bagama’t ordinaryong sakit nalang at kahit sino ay pwedeng magkaroon nito, maaari ka namang makaiwas dito. Tama ang narinig mo. Ang buni ay puwede mong maiwasan sa pamamagitan ng malinis at malusog na mga pag-uugali.

Karamihan sa mga impeksyon ay nagsisimula sa kawalan ng persona hygiene at pakikihalubilo sa mga hayop. Huwag ding kakalimutang maghugas palagi ng kamay matapos ang paghawak sa alagang hayop.

Kung mayroon kang alaga, panatiliin mong malinis ito at malayo sa kahit na anong uri ng dumi ang cage o kulungan nito. Kung mahina ang pangangatawan mo, iwasan ang mga tao o hayop na pinaghihinalaan mong may buni. Kilalang sakit ang buni sa Pilipinas.

Dahil siguro sa napakainit na klima ng bansa at kakulangan sa kaalaman ng nakararami ukol sa pagkakaroon ng malinis at malusog na pamumuhay. Ang sakit ay sadyang maiiwasan kung ikaw ay palaging malinis sa iyong pangangatawan. Kaya naman, huwag na huwag kakalimutan ang paliligo araw-araw.