Ang hika pangkaraniwang sakit na ng mga Pilipino. Malalamang ang isang tao ay may ganitong karamdaman kung ang paghinga niya ay hindi na normal at mala-sipol ang tunog. Ang karamdamang ito ay hindi basta-basta nalulunasan. Sa katunayan nga, ang hika ay may sintomas na pulit-ulit. Pero may epektibong gamot sa sakit na ito na dapat mong subukan at tiyak na maaasahan. Hindi man mabilisan ang paggaling, tiyak naman ang paggaling nito in due time.
Ano ang hika?
Ang hika o asthma ay pamamaga ng daluyan ng hangin patungo at palabas sa baga. Kadalasan, ito ay dahil sa pagkakaroon ng allergy.
Ang hika ay tinatawag ding asthma. Ito ay pangkaraniwang sakit na ng mga baga. Ang sakit na ito ay itinuturing na pangmatagalang karamdamang hindi madaling malunasan.
Puwede pa nga itong maging dahilan ng pagpapanatili ng pagkasira ng baga kung hindi ito mabigyan ng tamang lunas. Ang hika o asthma ay pamamaga ng daluyan ng hangin patungo at palabas sa baga, kung minsan ito ay dahil sa allergy.
Nang dahil sa pamamagang ito, naninikip daluyan kaya hirap nang huminga. Hindi man nakakahawa ang hika, ito naman ay namamana sa pamilyang may history ng allergy at hika. Madalas, ang karamdamang ito ay namamana sa mga magulang na may hika rin.
Ano ang sanhi ng hika?
Madalas umatake ang hika sa bata o sanggol at ito ay nagsusumula sa impeksiyong dala-dala ng virus, o kaya ay iritasyon at allergy.
Madalas,ang pinagmumulan ng hika ay ang mga sumusunod:
- Pollen na nanggagaling sa halaman
- Alikabok
- Sasakyan
- Mga bagay na nasusunog o umuusok
- Dust mites
- Munting kulisap na sumasama sa alikabok
- Balahibo ng hayop katulad ng pusa
- Amag
- Gamot
- Kemikal
- Ehersisyo
- Emosyon
Ano ang mga sintomas ng hika?
Kahirapan sa paghinga ang pangunahing sintomas ng hika.
Obvious na matatawag, ang mga sintomas ng hika. Madalas makikita mo ang mga indikasyong ito sa paghinga ng pasyente. Maging ang kanyang pananalita ay naaapektuhan na dahil sa hirap ng paghinga. Narito ang mga sintomas na dapat bantayan:
- Mabilis ang at hindi pangkaraniwan ang paghinga
- Hirap huminga
- Lumalaki o lumolobo ng butas ng ilong sa tuwing hihinga
- Paghinga nang may kasabay na paghuni
- Inuubo na lumalala pa lalo na sa gabi o umaga
- sinisipon o nangangati ang lalamunan
- nakakaramdam ng pagkahapo o sobrang pagod
- Hirap sa paglalakad, pagsasalita o kumain
- Mabilis ang tibok ng puso
Ano ang gamot sa hika?
Ang hika ay ginagamot sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng approach tulad ng pagbubukas ng daluyan ng hangin, pagpapakalma ng pamamaga sa baga, at pagpabagal ng reaksyon ng katawan sa mga allergen. Ang paggamit ng nebulizer o pausok ay pampakalma lamang sa baga.
Kung hinihika ka o isa sa mga mahal mo sa buhay, maaaring kasama na sa pangangalaga mo ng iyong kalusugan ang pag-inom ng iba’t-ibang klase ng gamot para mabuksan ang daluyan ng hangin, mabawasan ang pamamaga ang dadaanan ng hangin at ang pagresponde ng katawan sa mga sanhi ng allergens.
Nakakatulong nang malaki ang pag-inom ng likido sa isang malaking baso kada isa hanggang dalawang oras. Ang ganitong gawi ay nakakatulong para mapanatiling manipis ang uhog. Kapag manipis ang uhog, mas madali itong mailalabas sa pamamagitan ng pag-ubo.
Nakakabawas din ang pag-inom ng likido gamit ang isang malaking baso, para mabawasan ang pamamaga ng mga baga.
Bukod sa natural remedy na nabanggit, pinaka-importanteng gamot sa hika ang steroids at anti-inflammatory medicines.
Hindi man tuluyang nagagamot ng mga ito ang hika, puwede namang mapigilan ang mga sintomas, maging ang paglala nito.
Paano makaiiwas sa hika?
Ang pag-iwas sa mga sanhi o trigger ng hika ay siyang pangunahing paraan upang maiwasan mo ang pagkakaroon ng hika, o ang matinding pag-atake nito.
Nabanggit na sa unang bahagi ng artikulong ito na ang hika ay hindi madaling magamot. May mga pagkakataon pa ngang ito ay maaari nang maging permanenteng sakit. Kung natatakot kang magkahika, o, isa sa mga mahal mo sa buhay ay magkaroon nito, huwag mag-alala.
May mga paraan naman para maiwasan ang pag-atake at paglala nito. Kung asthmatic ka na, ang unang dapat gawin ay iwasan ang mga sanhing nabanggit kanina tulad ng mga pollen na nanggagaling sa halaman, bagay na umuusok, balahibo ng hayop, at sobrang pagpapagod. Iwasan mo rin sobrang lamig na hangin at mga matatapang na amoy.
Mas makakatulong kung kokonsulta ka na sa doktor sa oras na makaramdam ka ng ilan (o lahat) ng mga sintomas na nabanggit dito. Tanging ang doktor ang nakakaalam ng mga dapat mong gawin at inumin para maibsan ang pakiramdam sa pag-atake ng hika.
Ang doktor din ang nakakaalam upang matiyak mo ang mga psibleng sanhing makakaapekto sa iyo gaya na lamang ng mga allergies. Bukod pa sa pag-iwas, mahalaga ring panatilihin ang malakas at malusog na pangangatawan para makaiwas ka sa sakit na hika. Mag-ehersisyo pero huwag sobra dahil makakapag-trigger din sa hika ang sobrang pagod.
Importante rin ang balanced diet para maiwasan hindi lang ang asthma, kundi ang kahit na ano pang sakit.