Ano ang Dapat na Gamot sa Mamaso?

May napansin ka bang kakaibang butlig na tumutubo sa balat ng anak mo? Obserbahan mo ito. Kapag ang bultig na ito ay nagkaroon nan g tubig, ito ay mamaso. Makati ang mamaso. At dahil sa ganitong pakiramdam, nagkakaroon ng tendency na magkamot ang bata kaya napipisa. Kapag napisa na ang butlig na may tubig, ito ay namumula, at posibleng lumala at kumalat. Sa ganitong pagkakataon, hindi mo na alam, marahil, kung ano ang gagawin. Naghahanap ka na sigurado ng gamot sa mamaso na puwede mong gamitin para kay baby.

Ang mamaso ay maaaring dumapo sa kahit na sino. Subalit ito ay madalas na nararanasan ng mga bata. Ang sakit sa balat na ito ay tinatawag ding impetigo. Malubhang karamdaman ito at nakakahawa pa. Madalas, lumilitaw ang mamaso sa kamay at leeg ng mga sanggol o bata. Maging ang mga nagsusuot ng diaper ay madalas na magkaroon ng ganitong sakit sa balat. Bagama’t nabanggit kanina na ang sakit na ito ay maaring maranasan ng kahit na sino, bibihira naman itong maranasan ng mga matatanda o mas nakatatanda.

Ang mamaso ay dulot ng dalawang klase ng bakterya na maituturing na delikado. Ito ay ang streptococcus pyogenes at ang staphylococcus aureus. Ang gamot sa mamaso ay nakadepende sa kung anong klase ng bakterya ang dumapo sa bata. Kaya mahalagang malaman mo kung alin sa dalawang bakterya na ito ang mayroon sa anak mo. Ang mamaso ay madalas tumatagal nang 2 o 3 linggo. Kaya naman hirap na hirap si baby kapag mayroon siya nito.

Mga sintomas na dapat bantayan

Ang mga sintomas ng mamaso ay lubhang nakakaabala sa mga gawain at aktibidad. Talaga namang nakakahiya rin ang mga ito dahil puwedeng mandiri sa iyo ang mga taong nakapaligid nito kung mayroon ka nito. Hassle talaga ang mamaso lalo pa’t madalas na tumutubo ito sa mukha at leeg. So, paano mo pa maitatago ito. Kahit pa nabanggit na kanina na may magkaibang bakterya ang mamaso, pareho namang may sintomas na mararanasan dito. Ang mga sintomas na ito ay depende sa klase ng mamaso ang baby mo. Subalit mayroon namang tinatawag na ‘common symptoms’ ang mamaso, ano mang klase ito. Gaya na lamang ng:

  • Pamumula ng paltos na kaagad napipisa at nag-iiwan ng madilaw at natuyong nana
  • Pagiging matubig ng mga paltos
  • Pagsulpot ng mga pantal at lubhang pangangati nito
  • Pamamaga ng kuliti

Bagama’t mga bata ang madalas magkaroon ng mamaso, importanteng malaman mo rin kung sino ba ang posibleng dapuan ng sakit na ito. Sa pamamagitan nito, malalaman mo rin kung ano ba ang tamang gamot sa mamaso na babagay sa taong mayroon nito. Kahit sino ay may posibilidad na mahawa sa mamaso. Ilan sa mga kasong nakapagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng mamaso ay ang mga sumusunod:

  • Mga batang edad 2 hanggang 6 na taong gulang
  • Mga batang ang edad ay kagaya ng nabanggit at pumapasok sa daycare center o ano mang paaralan
  • Pagkakaroon ng iba pang uri ng sakit sab alit
  • Kapag hindi malinis sa katawan
  • Kung ang lokasyon ng tinitirhan ay may mainit na klima
  • Kung ang mga tao na nakatira bahay na tinutuluyan ay nagsisiksikan dahil sa ganitong kondisyon mabilis na kumakalat ang bakterya
  • Nangangati o namamaba ang balat na sanhi ng allegy
  • Mayroong sakit na diabetes
  • Mahina ang immune system sa katawan

Hindi porke nakita mong may butlig ang anak mo, nasisiguro mo nang mamaso ito. Mahalagang dalhin na kaagad siya sa doktor upang makumpirma at malaman mo agad ang gamot sa mamaso na gagamitin. Ngunit paano nga ba nasusuri ang sakit na ito? Sa unang hakbang ng pagsusuri, tatanungin ka ng doktor ng mga bagay na may koneksion sa sugat sa balat ng iyong anak. Huwag kang kabahan sa mga tests na maaaring gawin kay baby. Kadalasan naman, nasusuri ng doktor ang mamaso sa pamamagitan ng physical exam. Pero puwede rin namang sabihin ni Dok na kailangang kumuha ng sample sa apektadong balat para malaman kung ano ngabang bakterya ang dumapo sa balat ng iyong anak.

Para sa bata, hindi magiging madali ang pagkuha ng sample. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahid ng tinatawag na swab sa bahagi ng balat na apektado ng mamaso. Ang swab na ito ay ipinadadala sa laboratory para tingnan, suriin at matukoy ang bakteryang nandirito. Ano man ang resulta sa ganitong klase ng pagsusuri, tiyak na makaktulong ito sa doktor sa kaniyang pagpapasiya kung anong mabisang gamot sa mamaso ang irereseta sa anak mo.. Ang impormasyong makukuha sa pagsusuring ito ay tutulong sa iyong doktor sa pagpapasiya kung anong antibiotic ang mabisa para sa sakit mo.

Epektibong gamot sa mamaso

Ang gamot sa mamaso ay naaayon sa lubha at klase ng sintomas, maging sa klase ng bakteryang naging dahilan ng pagkakaroon ng ng mamaso. Kung ang ganitong sakit ay hindi naman masyadong malala, aaaring magrekomenda ang doktor ng wastong paglilinis ng ng balat na maaaring makatulong para maging mabilis ang paggaling ng mga paltos at mapigilan ang paglaganap ng mamaso sa katawan o balat.

Unang dapat gawin: Linising mabuti at nang ilang beses araw-araw ang apektadong parte ng iyong katawan, ng malinis na tubig. Huwag na huwag kukusin ang balat na apektadong balat para hindi na gumrabe pa ang sugat. Hayaang matauyo muna ang mga sugat pagkatapos mo itong hugasan. Maglagay ng antibacterial ointment. Ang ointment na ito ay mabibili sa botikang pinakamalapit sa iyo.

Kung ang balat ay may mga natuyong nana, puwede mo itong sa tubig na may sabon o sa tubig na hilauan mo ng kaunting suka. Tried, tested and proven nang mabilis magpagaling ng mamaso ang tubig na may kaunting suka. Ayon sa mga nakasubok na, isa ito sa mga pinakamabisang gamot sa mamaso, lalo na para sa bata. Iwasang mahawakan o maisa ang balat na may mamaso. Dalasan din ang paghuhugas ng kamay, bago at pagkatapos hawakan ang balat.

Kung ang mga nabanggit na natural na solusyon bilang gamot sa mamaso ay hindi umepekto o nakapagpalubha pa ng kundisyon ng mamaso, sumangguni na sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot. Maaaring resetahan ka ng antibiotic na maaaring ipahid. Ito ay cream na maaaring direkta mong i-apply sa balat ni baby. Importante lang na matandaang dapat ay hugasan muna ang balat bago pa man i-apply ang cream o ointment dito upang garantisado ang pagpasok ng gamot sa balat.

Mga paraan ng pag-iwas sa mamaso

Nakakatakot ang mamaso, lalo na kung bata ang magkakaroon nito, hindi ba? Kawasa ang mga chikiting dahil sa hindi komportableng pakiramdam. Makati at mahapdi ang mamaso na kadalasang, hirap i-control ng mga bata. Narito ang ilang mga hakbang na puwedeng gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng mamaso:

  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay nang palagi
  • Maligo o paliguan ang bata araw-araw
  • Kapag may sugat sa katawan, linisin ito ng mabuti at takpan

Huwag nang hayaan pang magkaroon ng mamaso. Habang may pagkakataon na, gawin na ang mga pamamaraan ng pag-iwas sa mamaso. Ilan lamang ito sa mga bagay na maaaring makatulong a iyo at sa baby mo. Ang importante, palaging malinis ang katawan, maging ang mga damit na isinusuot.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top