Gamot sa Pigsa na Madaling Makapagpagaling

Ang pigsa ay isang sakit sa balat na hindi naman gaanong malala. Kaya kadalasan nang ang natural remedies ay sapat nang gamot sa pigsa.

Nagkaroon ka na ba ng pigsa? Kung oo ang sagot, marahil, sang-ayon ka na pangkaraniwan na lamang ang sakit na ito sa ating mga Pilipino.

Pero hindi man ganoong ka-seryoso ang pigsa, kakailanganin pa rin ang gamot sa pigsa na madaling makapagpagaling para hindi na ito magdulot pa ng pagkairita at pananakit.

Artikulong ito, matututunan mo kung ano nga ba ang pigsa, paano nagkakaroon nito, mga mabisang panglunas dito at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang pigsa?

Ang pigsa ay isang uri ng skin infection. Ito ay kadalasang nagsisimula sa ugat ng buhok o balahibo. Maalas, ito ay nararanasan bilang isang napakasakit na bukol na may nana at nabubuo sa may bandang ilalim ng balat.

Ang mga ugat ng buhok o balahibo ay inaatake ng mga mikrobyo at nagreresulta ng impeksyon. Sa umpisa ng paglitaw ng pigsa, ang bahagi ng balat na naimpeksyon ay namumula muna. Kasunod nito, mabubuo na ang lump o bukol na kadalasang naiuugnay sa pigsa.

Ang kulay ng pigsa ay magbabago mula sa pamumula hanggang sa pamumuti dahil puno na ito ng nana matapos ang 4 hanggang 4 araw. Kalimitang natatagpuan ang pigsa sa kilikili, braso, leeg, balakang at mukha ng isang tao.

Ano ang sanhi ng pigsa?

Isa sa mga pinaka-ordinaryong sanhi ng pigsa ay ang mikrobyong kung tawagin ay staphylococcus. Ang mikrobyo o bakteriya na ito ay nakakapasok sa loob ng katawan sa pamamagitan ng mga galos na maliliit o sugat sa balat.

Kaya ring pumasok ng mikrobyong ito na pumasok sa ilalim ng balat sa pamamagitan ng pagkapit sa buhok o balahibo papuntang follicles. Narito ang ilan sa mga sanhi ng pigsa:

  • Kulang sa proper nutrition
  • May diabetes
  • Exposure sa mapanganib na kemikal na nakakasira ng balat
  • Maling paraan ng paglilinis ng katawan
  • May sakit sa atay
  • Skin allergy
  • Pag-aahit o pagpapagupit

Ano ang mga sintomas ng pigsa?

Ang pagkakaroon ng bukol o mga bukol na may nana sa balat sa may mukha, leeg, hita, kilikili, pisngi ng puwit at balikat ay siyang pangunahing sanhi ng pigsa.

Puwedeng magkaroon ng pigsa ang isang tao saan mang parte ng kanyang katawan. Pero, mas madalas itong lumilitaw sa mukha, leeg, hita, kilikili, pisngi ng puwit at balikat. Narito ang ilan sa mga sintomas na makikita o mararamdaman ng isang taong lumalala na ang pigsa:

  1. Nai-impeksyon na ang balat na nakapaligid sa pigsa
  2. Nagkakaroon na ng maliliit na pigsa sa paligid ng bukol na nauna
  3. Nagkakaroon nan g mga namamagang kulani
  4. Nilalagnat
  5. Namumula, namamaga at sumasakit na ng di-pangkaraniwan ang balat sa palibot ng pigsa
  6. Nangangati na ang paligid ng bukol
  7. Sumasakit na ang katawan
  8. Lumalabas na ang nana pagkatapos ng isang araw lang ng pamamaga

Ano ang gamot sa pigsa?

Narito ang ilan sa mga natural remedies na kailangan mong gawin bilang gamot sa pigsa.

Kadalasan, ang pagkakaroon ng pigsa hindi naman kailangang gamutin dahil kusa itong nawawala. Pero kung sa pakiramdam mo ay magkaka-pigsa ka, may mga paraan naman para mapabilis ang paggaling nito. Unang-una, panatilihin mo lang na malinis at ligtas palagi ang pagsunod sa mga pamamaraang ito:

  1. Maglagay ng mainit o i-hot compress ang pigsa para mapabilis ang sirkulasyon ng dugo. Ang dugong ito ang siyang nagdadala ng antibodies at white blood cells sa apektadong lugar at siyang magpapagaling nito.
  2. Maaaring gamitan ng isang boteng may lamang mainit na tubig para uminit ang parte ng katawang may pigsa. Ilagay ang bote sa apektadong parte ng hanggang 20 minuto kada dalawang oras.
  3. Huwag pipisain o operahing mag-isa ang iyong pigsa lalo na habang ito ay matigas at maliit pa. Madalas, ang pigsa ay kusang napipisa pagkatapos itong i-hot compress gamit ang bimpo o bote.

Paano makaiiwas sa pigsa?

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng pangangatawan ay siyang pinakamabisang paraan upang makaiwas ka sa pagkakaroon ng pigsa.

Sobrang hassle ang pagkakaroon pigsa. Kung hindi ka pa nagkaka-pigsa sa buong buhaymo, siguradong ayaw mong magkaroon nito. Ang good news diyan ay mayroong mga pamamaraan para maiwasan ang ganitong sakit.

Ang madalas at wastong paglilinis ng sarili ay epektibong paraan para mapababab ang tsansa ng pagkakaroon ng pigsa. Narito naman ang ilang mga dapat pang gawin para makaiwas:

  1. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay matapos gumamit ng banyo at bago kumain.
  2. Maligo ng higit sa isang beses araw-araw para maiwasan ang pagkapit ng mikrobyo sa katawan mo.
  3. Kapag naramdamang may pigsa na at hindi naiiban ang pakiramdam kahit pa nagawa mo na ang mga nabanggit na pamamaraan, kumonsulta na sa doktor.
  4. Kapag may nakapang butlig o bukol sa katawan, huwag itong pipisahin o titirisin dahil baka maimpeksyon. Sa halip, i-hot compress na kaagad para lumambot at lumabas na ang kung ano mang mikrobyo ang nasa loob.