Epektibong Mga Gamot sa Sakit ng Tiyan

Dahil sa ang pananakit ng tiyan ay malamang na sintomas ng isang seryosong karamdaman, mas makabubuting kumunsulta ka agad sa doktor kung may nararamdaman kang masakit sa tiyan mo. Maaari mo ring subukan ang home remedies sa sakit ng tiyan na tatalakayin natin sa artikulong ito.

Lahat naman ng tao, bata man o matanda, ay nakaranas na ng sakit ng tiyan. Ikaw man ay tiyak na dumaan din sa ganitong health condition at minsan ka na ring namilipit sa matinding pananakit ng iyong tiyan.

Paano mo ba nagamot ang sakit ng tiyan mo noon, o sa tuwing umaatake ito? Eh, alam mo ba kung bakit ka nagkaroon ng ganitong sakit? May mga taong alam lamang kung ano ang karamdamang ito at gaano ito kasakit. Pero ang lingid sa kanilanga kaalaman ay kung saan ito nakukuha at ano ang iba’t-iba pang mga gamot na maaari nilang inumin. May mga paraan din kung paano maiiwasan ang sakit ng tiyan. Alamin sa artikulong ito.

Ano ang sakit ng tiyan?

Tinatawag ding stomach pain, ang sakit ng tiyan ay isang uri ng kondisyong kalusugan kung saan apektado ang isa o ilang mga parte ng digestive system. Ang resulta nito, nagkakaroon ng diperensiya sa normal na paggana ng sistema ng panunaw.

Madalas, ang sakit ng tiyan, ay itinuturing na pangkaraniwan na lamang na sakit para sa atin. Kung nakaramdam ka na nito, marahil inisip mo nalang na lilipas din ito kaya hinahayaan mo na lamang ang nararamdaman. Dahil dito, hindi ka pa siguro kaagad nakaisip o nagplanong uminom ng gamot sa sakit ng tiyan.

Ang hindi mo alam, (at hindi rin alam ng nakararami), may mga panahong ang karamdamang ito ang siya na palang nagiging dahilan ng paglala ng sakit. Tinatawag ding stomach pain, ang sakit ng tiyan ay isang uri ng kondisyong kalusugan kung saan apektado ang isa o ilang mga parte ng digestive system. Ang resulta nito, nagkakaroon ng diperensiya sa normal function ng system. Ito ang nagiging sanhi ng pagsama ng pakiramdam, maging ng pananakit at paghapdi ng tiyan.

Ano ang sanhi ng sakit ng tiyan?

Ang gastroenteritis, urinary tract infection o UTI, appendicitis, at iba pang mga kundisyon na may kinalaman sa sistemang panunaw ng isang tao ay ang mga posibleng sanhi ng sakit ng tiyan.

May iba’t-ibang dahilan o sanhi ang sakit ng tiyan. May mga pagkakataong ang tao mismo ang nakakatuklas ng dahilan ng pagsakit ng kaniyang tiyan. Pero kadalasan, nadidiskubre ito pagkatapos kumonsulta sa doktor at sumailalim sa ilang mga tests. Madalas din, nagbibigay ang doktor ng eksaktong dahilan ng pagsakit ng tiyan ng pasyente matapos ang masusing pagtatanong o interview. Bukod sa lab results, binabase ng doktor ang kaniyang medical findings sa deskripsyon ng pasyente kung gaano kasakit at kadalas ang pananakit ng kaniyang tiyan at kung ano pang ibang mga indikasyon ang kasabay nito. Narito ang ilang mga pangkaraniwang sanhi:

  1. Gastroenteritis – Dulot ito ng isang uri ng virus na nagiging sanhi ng pamamaga sa loob ng tiyan. Ang karamdamang ito ay nararanasan hindi lamang ng mga Pilipino, maging ng mga tao sa ibang mundo.
  2. Urinary tract infection o UTI – Ang karamdamang ito ay may iba’t-ibang uri ng sintomas at isa na sa mga indikasyong ito ang pagsakit ng tiyan.
  3. Appendicitis – Ang karaniwang mga nakararanas nito ay iyung mga may edad 10 hanggang 30 taon gulang. Kadalasan, mga lalaki ang dumaranas nito, kumpara sa mga babae. Kapag napabayaan ang appendicitis, ito ay maaaring magdulot ng kamatayan resulta ng impeksiyong dulot nito.

Ano ang mga sintomas ng sakit ng tiyan?

Ang pangkaraniwang sintomas ng sakit ng tiyan ay ang paghapdi, pagkirot o paghilab ng tiyan.

Ang sintomas ng sakit ng tiyan ay ayon sa uri ng sakit na ito, o ayon sa sanhi nito. Kung ang sakit mo o sanhi ng pagsakit ng iyong tiyan ay ulcer, may mga sintomas kang mararamdaman na hindi nararanasan ng ibang taong iba ang dahilan ng pananakit ng tiyan.

Isa sa mga pinaka-unang sintomas na makikita sa iyo o mararamdaman ay ang pagsakit ng tiyan na halos permanente nang pakiramdam. Isa rin sa mga indikasyon ng pananakit ng tiyan ang pagbaba ng timbang at kawalan ng gana dulot ng sobrang sakit ng pakiramdam.

Makakaramdam din ng heartburn o paninikip ng dibdib. May tsansa rin ng pagsusuka at pagkakaroon ng kahalong dugo ang dumi, bilang senyales o sintomas ng pananakit ng tiyan.

Ano ang gamot sa sakit ng tiyan?

Kumunsulta sa doktor para malaman ang sanhi ng iyong sakit ng tiyan. Magbibigay siya ng mabisang gamut para rito. May mga pangunang lunas din naman na maaari mong subukan para sa pananakit ng tiyan.

Katulad ng sintomas at sanhi, ang gamot sa sakit ng tiyan ay depende sa uri at lebel ng sakit na nararamdaman.

Bago uminom ng gamot, kung hindi rin lang ganoong kalala ang sakit, subukan muna ang natural remedies tulad ng tsaang gawa sa dinikdik na luya, BRAT (banana, rice, applesauce at toast) diet, at apple cider vinegar.

Pangkaraniwang inirereseta ng mga doktor bilang gamot sa sakit ng tiyan ang Amoxicillin, Metronidazole, Clarithomycin at ang Tetracycline, depende sa kung ano ang sanhi ng pananakit.

Paano makaiiwas sa sakit ng tiyan?

Ang pagkakaroon ng wastong kaugalian sa pagkain ay siyang pangunahing paraan para makaiwas sa sakit ng tiyan.

Pinakamabuting gawin para sa sakit ng tiyan ay ang pag-iisip at paggawa ng paraan para maiwasan ang sakit na ito. Wala kang kailangang inumin lalo na kung ang sanhi ng pagsakit ay kabag lang.

Mabisang paraan para makaiwas dito ang pagkakaroon ng balanced diet.

Kahit naman anong klase ng sakit ng tiyan ang gusto mong iwasan, mahalagang mag-ingat sa mga kinakain. Siguraduhin ding palaging malinis ang mga kinakaing pagkain at iniinom na tubig.