Gamot sa Sinusitis na Subok na Mabisa!


CLICK HERE: Gamot sa Sipon na Garantisadong Epektibo!

Pag-usapan natin ang mga gamot na maaari mong subukan kung ikaw ay may namamagang sinuses, o mas kilala sa tawag na sinusitis!

Ang isang taong may sinusitis ay kasalasang nakakaranas ng baradong ilong. Madalas din, ang mga pasyenteng dumaranas nito ay binabalewala na lamang ang kanilang nararamdaman sa pag-aakalang ito ay simpleng sipon lang. Pero hindi dapat palaging ganito ang gagawin.

Kung ikaw ay may sinusitis, importanteng magpatingin na sa doktor para malaman kung ano ang gamot sa sinusitis na dapat subukan para maibsan ang pakiramdam. Alamin sa artikulong ito kung ano ang mga nagiging sanhi ng sinusitis, mga sintomas at gamot dito, maging ang mga paraan para maiwasan ang sakit na ito.

Ano ang sinusitis?

Mararamdaman mong ikaw ay may sinusitis ay kapag namaga na ang mga tissue na nakapaligid sa sinuses mo.

Kabaligtaran ito ng pagkakaroon ng malusog na sinsuses sapgkat ang healthy sinuses ay puno ng hangin. Pero dahil nga sa namamagang tissue, nagiging barado ang mga ito na siyang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tubig at mga mikrobyong puwdeng magdulot ng impeksyon.

Ang pagbarang ito ng sinusitis ay bunsod ng pagkakahawa ng sipon, pamamaga ng lining sa ilong o pagkakaroon din ng allergic rhinitis. Ang sinusitis ay nagdudulot din ng nasal polyps o maliliit na bukol sa may lining ng ilong.

May iba’t-ibang uri ng sinusitis. Nariyan ang acute sinusitis na madalas magsimula sa mga sintomas gaya ng pagsakit ng mukha at baradong ilong. Maaari itong magsimula nang biglaan na puwedeng manatili ng hanggang apat na linggo. Isa pang uri ng sinusitis ay ang subacute inflammation kung saan may kaunting pamamaga na maaari ring manatili ng hanggang 12 linggo.

Ang dalawang huling klase ng sinusitis ay ang chronic inflammation kung saan ito ay maaaring manatili ng higit pa sa 12 linggo; at ang recurrent sinusitis, kung saan, maaaring bumalik ng maraming beses ang sinusitis sa loob ng isang taon.

Ano ang sanhi ng sinusitis?

Ang pagkakaroon ng sipon, allergic rhinitis o kaya ay nasal polyps ay maaaring ilan lamang sa mga dahilan ng pagkakaroon mo ng sinusitis.

May iba’t-ibang sani ng sinusitis. Kung hindi ka pamilyar sa sakit na ito, mahalagang malaman mo ang mga posibleng dahilan dahil baka hindi mo alam, may sinusitis ka na rin pala. Anu-ano nga ba ang sanhi ng pagbara ng ilong o sinusitis? Narito ang mga pangunahin at pangkaraniwang dahilan kung bakit nagbabara at namamaga ang sinus:

  1. Posibleng nahawa ka ng sipon
  2. Ikaw ay mayroong allergic rhinitis o nakakaranas ka ng pamamaga ng lining sa ilong
  3. Ikaw ay may nasal polyps, o mayroon nang maliliit na bukol sa lining ng iyong ilong

Ano ang mga sintomas ng sinusitis?

Ang sintomas ng sinusitis ay depende sa uri nito, kung acute o chronic sinusitis. Kapag naramdaman mo ang mga sumusunod na sintomas, mas malalaman mo kung anong klase ng sinusitis mayroon ka.

Acute sinusitis ang sakit mo kung makakaramdam ka ng pananakit ng iyong mukha dahil sa pressure, barado ang ilong mo, nakakaranas ka ng runny nose, nawawalan ka ng pang-amoy, inuubo ka, nilalagnat ka, bumabaho ang hininga mo, sumasakit ang mga ngipin mo, kung may berde o dilaw, at malapot na likidong lumalabas sa ilong mo.

Samantala, chronic sinusitis naman ang sakit mo kung ang mga sintomas na ito ay nararamdaman at nararanasan mo: nakakaramdam ka ng pamamaga sa iyong mukha, may pagbara sa iyong ilong, mayroon nang nana na lumalabas sa ilong mo, sumasakit na ang ulo at ngipin mo, mabilis kang mahapo, at, kung ang mga sintomas na ito ay higit sa 12 linggo mo nang nararamdaman at nararanasan.

Ano ang gamot sa sinusitis?

Kung simpleng sinusitis lang ang nararanasan mo, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng pag-inom at paggamit ng saline nasal drops o decongestant.

Pero dapat mong tandaanng hindi dapat inaabuso ang paggamit ng mga decongestant.

Dapat na itong ihinto sa loob ng tatlong araw dahil may posibilidad ring palalain pa nito ang pagbabara ng ilong mo. Kung magbigay naman ang iyong doktor ng antibiotic, dapat ay inumin mo ito sa loob ng sampu hanggang 14 araw. Madalas, nawawala naman ang mga naturang sintomas sa pag-inom ng gamot.

May mga natural na gamot din na maaari mong subukan katulad ng warm compress. Makakabili na ng mga decongestant over the counter at ito ay inii-spray o ipinapatak lang sa ilong.

Ang Sinutab ang pinakasubok nang panandaliang lunas sa sinusitis. Pero tandaan, ang gamot na ito na nabibili sa botika ay pampakalma lamang sa pamamaga ng sinuses mo.

Mahalagang kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng gamot, malamang na ang pamamaga ay dulot ng isang partikular na uri ng sakit na mas nangangailangan ng atensyon ng doktor.

Paano makaiiwas sa sinusitis?

Ang totoo nito, wala namang siguradong pamamaraan upang tuluyang maiwasan ang sinusitis. Pero may mga ilang bagay ka namang puwedeng subukan para makontrol ito sa paglala o pagsumpong.

Una, huwag nang maninigarilyo at umiwas din sa second-hand smoke.

Pangalawa, dalasan ang paghuhugas ng kamay lalo na kapag uso ang trangkaso at sipon. Iwasan din ang paghawak sa mukha. Importante ring maiwasan ang mga bagay na posibleng makapagdulot ng allergy sa iyo.