Mabisang Gamot sa Alipunga

Ang pahirap na alipunga madalas na nagagamot ng mga gamot sa fungus na nabibili over the counter. Maaari ring magreseta ang doktor ng espesyal na mga gamot kung ang mga pamahid na nabibili sa botika ay hindi umepekto.

Anong pakiramdam ng may alipunga? Bukod sa nakakaabala, nakakahiya, di ba? Kapag nalaman ng ibang mayroon ka nito, halos hindi ka na makatingin sa sobrang hiya at gusto mo nalang tuluyan nang mawala ito, hindi ba?

Kapag may alipunga, siguradong ang unang-unang nais mong mangyari ay mabilis itong gumaling at huwag nang bumalik pa. Don’t worry! May mabisang gamot sa alipunga na maaari mong subukan. May mga paraan din para maiwasan ang pag-litaw nito sa balat mo. Malalaman mo ang lahat ng ito sa artikulong ito.

Ano ang alipunga?

Ang alipunga ay tinatawag ding Athlete’s foot. Ito ay isang uri ng sakit sa balat ng paa na dulot ng fungal infection na nanggagaling sa organismong tinatawag na Trichophyton.

Maaaring makahawa ang alipunga sa mga lugar na mamasa-masa tulad ng banyo at shower room. Kaya naman ding tinatawag na Athlete’s foot ang sakit na ito, dahil kadalasan, mga manlalaro o atleta na iisa lang ang pinagliliguan nang madalas kaya mabilis na magkahawaan ang mga ito.

Ano ang sanhi ng alipunga?

Ang alipunga ay lumilitaw kapag ang fungus na tinatawag na tinea ay nabubuhay at nagiging aktibo sa paa.

Puwede kang mahawaan ng afungus na ito sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo sa mga taong mayroong ganitong karamdaman o paghawak sa mga bagay na may fungus. Ang tinea nabubuhay sa mga bagay o lugar na medyo basa at mainit. Madalas natatagpuan ang fungus na ito sa mga swimming pool o banyo.

Ano ang mga sintomas ng alipunga?

Ang paghapdi, pangangati at pamumula ng gitna ng iyong mga daliri ang siyang pangunahing sintomas ng alipunga.

May iba’t-ibang sintomas na mararamdaman ang taong may alipunga. Makakaranas ka, hindi man ng lahat, pero ng marami sa mga ganitong mga senyales at indikasyon:

  • Paghapdi at pangangati sa gitna ng mga daliri
  • Kumakati at humahapdi ang mga sakong ng paa
  • Nagkakaroon ng makating paltos sa paa
  • Nagbibitak-bitak at nangangaliskis ang paa lalo na sa mga daliri at sakong
  • Nangangapal at pumapangit ang kulay ng mga kuko
  • Kusang humihiwalay ang mga kuko sa daliri

Ano ang gamot sa alipunga?

Ang alipunga madalas na nagagamot ng mga gamot sa fungus na nabibili over the counter. Kung wala pa ring epekto ang ganitong gamot sa iyo, maaari kang resetahan ng gamot ng doktor mo na puwede mong inumin para sa alipunga. Ang ganitong mga gamot ay formulated na malakas para madaling mapatay ang mikrobyo.

Maglaga ng apat na onsa ng dahon ng oregano sa tubig na tama lamang para maibabad ang mga paa. Ibabad dito ang iyong paa dalawa hanggang apat na beses bawat araw. May mga nagsasabing pwede itong gamitin sa loob ng isang linggo subalit mas mainam ang pagpapalit nito araw-araw.

Maari ka ring sumubok ng mga natural na pamamaraan. Isa na sa mga pinakamabisang paraan ang paggamit ng virgin coconut oil. Ito ay proven na effective nang gamot sa alipunga dahil sa taglay nitong antimicrobial properties. Ito ay maaaring direktang ipahid sa paa nang dalawang beses kada araw. Puwede ka ring gumamit ng luya.

Magpakulo lang ng isang tasang tubig na may 1 oz na hiniwang luya sa loob ng 20 minuto. Kapag hindi na mainit, ipanghugas ang pinakulong tubig na may luya sa paa nang dalawang beses kada araw.

Paano makaiiwas sa alipunga?

Makakaiwas ka sa sakit na alipunga. Ang unang dapat gawin ay ang palagiang paghuhugas ng paa gamit ang sabong may taglay nan a anti-microbial properties. Lagyan ng antifungal powder ang paa isang beses araw-araw. Iwasan ang paghiram ng pagpapahiram ng tsinelas, sapatos, medyas, maging ng tuwalyaa sa tao o mula sa taong may alipunga.

Maiiwasan mo rin ang pagkalat ng sakit sa balat na ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng sandals o tsinelas kapag naglalakad sa pampublikong lugar gaya ng banyo, swimming pool at kubeta. Importante ring mapanatiling tuyo ang mga daliri pagkatapos maghugas o maligo.

Tiyakin ding maiksi ang mga kuko sa paa para hindi bahayan ng mga mikrobyo gaya ng fungus. Kung pababayaan mong humaba ang kuko at papayagang mabuhay at dumami ang napakaraming mikrobyo, maaaring makapinsala ito. Iwasan mo ang pagsusuot ng maruming sapatos o medyas ng mahabang oras. Kung pinagpapawisan ng sobra sa araw, mas mainam kung gagamit ng bagong labang medyas ito ay palitan sa kalagitnaan ng maghapon. Iwasang isuot ang parehong sapatos na nabasa sa magkasunod na raw. Importanteng maglaan ng panahon para matuyo ang sapatos. Mas mainam kung matutulog nang nakalabas ang paa para hindi ito bahayan ng microbyo.