Ang TB o tuberculosis ay isang sakit na dahilan ng kamatayan ng milyun-milyong tao sa nakalipas na mga dekada. Pero ngayon, ang tamang diagnosis sa mga sintomas ng TB at pag-inom ng mga gamot para dito ay siyang dahilan kung bakit nagagamot na ang TB.
Dati-rati, kapag nakakarinig tayo ng salitang TB o tuberculosis takot na takot tayo dahil sa dalawang bagay: ito ay nakakahawa at ito ay nakamamatay.
Naaalala mo pa ba ang kuwento ng mga matatanda? Noon daw, kapag sinabi ng doktor na may TB ang isang tao, siya ay may malubha nang sakit na para bang may taning na rin ang buhay.
Good news! Ngayon, hindi ka na dapat mag-alala pa sa sakit na TB dahil nagagamot na ito at madalas, buwan lang ang dapat mong hintayin para sa gamutan.
Malalaman mo sa artikulong ito ang iba’t-ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa sakit na TB—ano ito, ang mga sanhi at sintomas nito, paano ito gagamutin at paano rin maiiwasan.
Ano ang TB?
Ang TB o tuberculosis ay isang uri ng karamdaman sa baga na dulot ng mga bacteria o mikrobyong nanggagaling sa hangin. Ang mga mikrobyong ito ay kadalasang naibabahing o naiuubo sa hangin ng mga taong may ganito nang sakit.
Nakukuha ang sakit na TB kung kapag nalanghap mo mga mikrobyong ito sa hangin. May dalwang yugto ang TB. Ang una ay ang latent (o natutulog na) infection. Ang ibig sabihin, natutulog lang ang mikrobyo ng TB sa iyon katawa at wala kang sakit. Wala ka ring sitomas o palatandaang makikita at mararamdaman.
Wala ring tsansang makahawa ang ganitong yugto ng TB. Ang ikalawang yugto ay ang active TB disease. Dito, maraming buhay na mikrobyo ng TB sa ktawan mo at maaari kang makahawa ng ibang tao.
Ano ang sanhi ng TB?
Ang TB ay isang impeksyon sa baga na sanhi ng bacteria na Tubercul bacilli. Ito ay naipapasa sa mga tao na mas nakahantad sa panganib na magkaroon ng TB.
Lahat ng tao ay may tsansang magka-TB. Pero dahil sa may dalawang klase ng tao na mas madalas kapitan ng TB. Maaaring magkaroon ng TB kung ikaw ay:
- na-impeksyon na ng mikrobyo ng TB
- may kasama kang mayroong Tb
- nanggaling ka sa ibang bansang pangkaraniwan na ang TB tulad ng Southeast Asia (kabilang na ang bansa natin), Africa, China, South America at Russia
- Nakatira ka o nagtatrabaho sa isang lugar kung saan parang ordinaryo na lamang ang TB gaya na lamang ng bahay-ampunan, ospital at kulungan
- Kung mahina ang immune system mo at mabilis ka makaramdam ng panghihina ng katawan
- Kung HIV-positive ka
- Kung ikaw ay may bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alcoholic drinks at pag-aabuso sa masamang gamot
Ano ang mga sintomas ng TB?
Katulad ng nabanggit, kung ang yugto ng TB mayroon ka ay latent, wala kang kang mararamdamang sintomas. Pero kung ito ay active TB disease, mas madali nitong mapipinsala ang sistema ng katawan mo.
Narito ang ilang mga sintomas:
- Matinding pag-ubo o walang tigil na pag-ubo at kadalasang tumatagal ng hanggang 3 linggo
- May halong dugo ang plema
- Naninikip ang dibdib lalo ka kapag umuubo at humihinga
- Nilalagnat
- Nababawasan ang timbang nang hindi sinasadya
- Pinagpapawisan nang walang dahilan sa gabi
- Overfatigue
- Nawawalan ng gana sa pagkain
Ano ang gamot sa TB?
Dahil sa may dalawang yugto ng sakit na TB, magkaiba ang gamot na iniinom para malapatan ng lunas ang sakit. Ang natutulog o latent TB ay nalulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng dalawang klase ng sintetikong gamot. Samantala, ang active TB naman ay dapat gamutin ng mga gamot na irinreseta ng doktor.
Ito ang mga gamot na ibinibigay para lunasan ang TB:
- Rifampicin
- Isoniazid
- Ethambutol
- Pyrazinamide
Importanteng makumpleto mo nang buo ang pag-inom ng gamot sa TB. Maaari kang makaramdam ng kaunting ginhawa pagkatapos ng ilang linggo ng pag-inom ng gamot pero kapag itinigil mo na ito, puwedeng bumalik ang mikrobyo at may posibilidad na maging mas malakas ang resistensya ng mga bacteria laban sa gamot.
Sa ganitong pagkakataon, magiging mas mahirap nang malunasan ang TB. Malaki rin ang kontribusyon ng DOTS program sa wastong pag-inom ng mga gamot sa TB. Ito ay isinasagawa ng mga medical o health practitioners gaya na lamang ng mga doktor at nurse upang matulungan ang mga taong may TB na sundin ang dosage at tamang pag-inom ng gamot.
Paano makaiiwas sa TB?
Ang pag-iwas na hindi ka mahawa ng impeksyon na dala ng tubercul bacilli ang pinakamabuting paraan para makaiwas sa TB. Makakatulong din ang pagpapalakas ng immune system na makaiwas sa sakit na ito.
Hindi mo dapat ikabahala ang sakit ng TB lalo na kung alam mo kung paano makakaiwas dito. Huwag kang mag-alala kung wala ka pang idea kung paano maiiwasan ang karamdamang ito. Narito ang ilan sa mga dapat gawin:
- Lumiban muna sa trabaho o paaralan kung kinakailangan. Iwasan ding matulog katabi ang iba sa iisang kuwarto.
- Siguraduhing may sapat na labasan ng hangin sa silid dahil mas magiging mabilis at madali ang pagkalat ng mikrobyo kapag kulob ito.
- Palaging magsuot ng surgical mask. Ito ay importante lalo na sa first three weeks ng medication mo.
- Siguraduhing mapabakunahan ng BCG vaccine bagong panganak na sanggol sa pamilya. Maaaring umepekto ang bakunang ito sa mga taong may edad 16 pababa. Ito rin ay maaaring magsilbing panangga sa ano mang mapanganib na sakit.