Mga Dapat Malaman tungkol sa Sakit sa Bato

Ang sakit sa bato ay isang nakamamatay na sakit. Ito ay ika-10 sa mga dahilan ng kamatayan ng mga kababayan nating Pinoy!

Hindi lahat ng tao ay may sakit sa bato. Bagama’t marami ang may ganitong karamdaman, hindi naman lahat ng tao ang may malaking tsansa ng pagkakaroon nito. Marahil ay madalas mo nang marinig ang mga salitang sakit sa bato pero ang totoo, limitado lang (o sadyang wala) ang iyong kaalaman tungkol dito.

Importanteng alam mo ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa karamdamang ito dahil, who knows, isang araw, ikaw o isa sa mahal mo sa buhay ay ma-diagnose na may sakit sa bato.

Sa artikulong ito, maliliwanagan ka kung ano ba talaga ang sakit sa bato, mga dahilan ng pagkakaroon nito, mga gamot para dito, at mga paraan ng pag-iwas sa sakit na ito.

Ano ang sakit sa bato?

Ang sakit sa bato ay isang delikadong sakit na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao kung ito ay hindi matutukoy nang maaga at malalapatan ng kaukulang lunas. Pag may sakit ang mga bato mo, hindi na nila nagagawa ng maaayos ang paglinis sa dugo mo.

Bago mo tuklasin kung ano talaga ang sakit sa bato, importanteng malaman mo muna kung ano ba ang bato sa katawan. Ito ay tinatawag ding kidney na nag-aalis ng sobrang basura at tubig sa katawan ng tao. Isinasaayos ng kidney ang likido at mga kemikal na kailangan ng katawan ng tao.

Ang sakit sa bato ay isang delikadong sakit na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao kung ito ay hindi matutukoy nang maaga at malalapatan ng kaukulang lunas. Sa kasalukuyan, ang karamdamang ito ay ika-10 sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa.

Ano ang sanhi ng sakit sa bato?

Ang sakit sa bato o kidney disease ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng diabetes, altapresyon, bato sa bato at impeksyon. Maaari ring maging sanhi ng sakit na ito ang pagkain ng mga matataba at pagkakahantad sa lason.

Bukod sa maaalat na pagkain, puwede rin palang pagmulan ng kidney stones o bato sa bato ang sobrang pagkain ng matatamis gaya na lamang ng carbonated na inumin. May mga kaugnay na sakit ang sakit sa bato na dapat mong malaman. Baka mayroon ka na nito, hindi mo pa alam na naaapektuhan na pala ang bato mo. Narito ang ilan sa mga maaring pagmulan ng sakit na ito:

  1. Diabetes – dahil sa sobrang glucose o asukal sa dugo, nahihirapan itong salain ng bato.
  2. Altapresyon – ito ay dulot ng pagkasira ng blood vessels kasama na rito ang ugat sa bato.
  3. Kidney stones na puwedeng bumara sa daanan ng ihi
  4. UTI o urinary tract infection – Ito ay dahil sa pamamaga o impeksiyon sa daanan ng ihi at pagdami ng mikrobyo sa bato, pantog at ureter.

Ano ang mga sintomas ng sakit sa bato?

Maaring iba-iba ang sintomas ng sakit sa bato depende sa antas ng kalusugan ng taong may sakit nito. Ang pagiging maagap sa kakaibang mga sintomas na nararamdaman may kaugnayan sa pag-ihi ang siyang mabisang paraan upang malunasan ang nakamamatay na sakit na ito.

Kailangang maging maingat sa ano mang hindi komportable at masamang pakiramdam. Ang mga sintomas o indikasyon ng sakit sa bato ay iba-iba. Ito ay depende sa pangangatawan ng taong nakakaranas nito.

Narito ang ilan sa mga sintomas:

  • Palaging nilalaganat
  • Giniginaw na may kasabay na pagsusuka
  • May kaunting kirot sa pag-ihi
  • Nakakaramdam ng sakit sa tagiliran
  • Masakit ang tiyan at puson
  • Kulay ihi, mabula at mapula ang ihi
  • Minamanas sa talukap ng mata, tiyan, binti, paa, at mukha
  • Hirap huminga
  • Nakakaranas ng altapresyon

Ano ang gamot sa sakit sa bato?

Kung ang sakit sa bato na nararanasan mo ay malala na, baka kailanganin mo na ang seryosong atensiyon ng isang doktor, o di kaya ay maikonsidera na ang iyong kondisyon bilang isang emergency case. Sa ilang mga pagkakataon, ang kidney transplant ang tanging pangmatagalang gamot sa sakit sa bato.

Ang mga doktor ang kadalasang gumagawa ng paraan upang malunasan ang sanhi ng biglang paghinto at pag-function ng kidney. At dahil maaaring makamatay ang sakit na ito, huwag mag-atubiling lumapit sa doktor kapag nakakaranas na ng mga naturang sintomas. May malalang uri ng sakit sa bato na tinatawag na chronic kidney disease.

Ito ay talagang kailangan nang gamutin sa lalong madaling panahon. At, ang ganitong klase ng sakit sa bato ay kailangan na ng dialysis o pag nagtagal pa, ay kidney transplant. Ang mga ito lamang ang maituturing na lunas o gamot sa sakit sa bato.

Paano makaiiwas sa sakit sa bato?

Ang pagpapanatili ng malusog na mga kaugalian sa pagkain at tamang ehersisyo at pahinga ang siyang pangunahing paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit sa bato.

Huwag nang hayaan pang madapuan ng sakit sa bato na maaari pang lumala. Hangga’t maaga, agapan na ito at gumawa ng ng mga paraan kung paano makakaiwas sa karamdamang ito. Hindi mo naman kailangang gumastos para masiguro ang iyong kaligtasan mula sa sakit na ito. Madalas nga ay natural na remedyo lamang ang kailangan.

Narito ang ilan sa mga dapat gawin:

  1. Uminom ng maraming tubig na hindi bababa sa 8 basong tubing kada araw.
  2. Ugaliing maglinis palagi ng iyong katawan.
  3. Siguraduhing makadumi ng regular o araw-araw
  4. Huwag magpipigil ng ihi
  5. Sumangguni kaagad sa doktor kapag nakaranas na ng kahit na anong impeksiyon sa balat at lalamunan.
  6. Iwasang paglaruan ang maseselang bahagi ng iyong katawan katulad ng ari.
  7. Ugaliin ang pagkain ng masusustansiyang pagkain.
  8. Umiwas sa maalat at matatamis na pagkain.
  9. Mag-exercise araw-araw.
  10. Gawing regular o taon-taon ang pagpapasuri ng ihi.

Tiyak na interesado kang malaman kung anong partikular na pagkain ang mga dapat kainin para makaiwas sa sakit sa bato. Ilan ang mga ito sa makakatulong sa iyo para maibsan ang karamdaman:

  1. Red bell pepper – Sikat at ordinaryo na ang pagkaing ito sa hapag-kainan nating mga Pinoy kaya garantisadong epektibo ito kung idadagdag mo ito sa iyong diet. Siksik sa napakahahalagang sustansiya ang red bell pepper na puwedeng makatulong para gumaling at lumakas ang mahinang bato.
  2. Cabbage o repolyo – Ang gulay na ito ay isa ring pangkaraniwang pagkain ditto sa Pilipinas. Mayaman din itong mapagkukunan ng mga napakahahalagang phytochemical na may kakayahang protektahan ang katawan mula sa free radicals na nakakasama. Mayaman ang repolyo sa Vitamins C at K, maging ng mahahalagan fiber.
  3. Puti ng itlog – Nagbibigay ng napakahalagang protina ang puti ng itlog dahil wala itong dagdag na cholesterol na idinudulot sa katawan. Ang protina ay importante para gumaling at mapalakas ang mahinang bato.
  4. Ubas – Ang prutas na ito ay may hatid na benepisyo sa kalusugan ng bato. Tumululong ito sa pag-aayos ng daloy ng dugo habang iniiwasan nito ang blod clot o pamumuo ng dugo na puwedeng maging sanhi ng stroke.
  5. Strawberry – Mayaman ang mapulang prutas na ito sa ellagitannin at anthocyanin na tinuringang mga importanteng antioxidant. May taglay din itong Vitamin C at fiber na mahalaga sa katawan. Ang mga sustansyang dulot ng strawberry ay pawing mga nakatutulong para mapanatili ang malusog at malakas na bato. Ibig sabihin, kung regular ang pagkain mo nito, maaaring mapalusog at mapalakas nito ang maninang bato mo.