Ano Ba Mabisang Gamot sa Balisawsaw?

Ang balisawsaw ay maaaring isa lamang sa mga sintomas ng isang mas malubhang sakit. Magagamot ang balisawsaw kung unang lulunasan ang sakit na nagiging sanhi nito.

Madalas ka bang binabalisawsaw? Anong ginagawa mo sa tuwing inaatake ka ng sakit na ito? May mga taong umiinom ng maraming tubig, buko o iced tea sa tuwing sila ay binabalisawsaw. Pero, sapat na ba ito?

Dapat malaman mo kung ano ang balisawsaw, saan ito nagmumula, ano ang mga sintomas nito, at paano mo malulunasan at maiiwasan ang sakit na ito.

Sa artikulong ito, madidiskubre mo ang mga impormasyong kailangan mo para mas malaman pa kung ang balisawsay ay ordinaryong sakit nga lang bang dapat ipagwalang-bahala o dapat mong ikonsulta sa doktor.

Ano ang balisawsaw?

Ang balisawsaw ay terminong ginagamit ng mga Filipino na ang ibig sabihin ay maya’t-maya at mahirap na pag-ihi.


Curious ka siguro kung ano sa salitang-Ingles ang balisawsaw. Magsaliksik ka man, wala kang makikitang English translation nito.

Pero, ayon naman sa mga lumang pag-aaral, ang karamdamang ito ay maihahalintulad sa isang medical condition na kung tawagin ay dysuria. Ang medical term na ito ay ginagamit upang mailarawan ang sakit ang sobrang hirap sa pag-ihi.

Samantala ang mga salitang urinary frequency naman ay ginagamit sa paglalarawan ng maya’t-maya at madalas na pag-ihi.

Ano ang sanhi ng balisawsaw?

Ang mga sanhi ng balisawsaw ay impeksyon, pamamaga, sobrang aktibidad ng pantog, diabetes at iba pang mga sakit.

Narito ang posibleng mga sanhi ng pagkakaroon mo ng balisawsaw:

1. Infection. Isa sa pinaka-pangkaraniwang dahilan ng balisawsaw ang UTI o urinary tract infection, lalong-lalo na sa mga kababaihan. Sa ganitong sanhi, pumapasok ang bacteria sa bladder patungo ng urethra at doon nagkaka-impeksiyon.

Maaaring ring may impeksiyon ang bladder, kidney, urethra o bladder kaya may masakit na pakiramdam sa tuwing umiihi. Maaring ring sanhi ng vaginal infection a kaya binabalisawsaw ang isang babae, partikular na ang yeast infection, na may halong mabahong amoy at discharge.

Mayroon ding mga sexually transmitted infections gaya ng gohorrhea at genital herpes na bukod sa napakasakit kapag umiihi, ay may kasamang paghapbdi, pagsusugat at pangangati.

2. Pamamaga. Ito ay dulot ng bato sa urinary tract, mga sintomas ng menopause, pagkairita ng urethra dulot ng pakikipagtalik, sensitibong ari sanhi ng paggamit ng sobrang bangong sabon, interstitial cystitis na dulot naman ng pamamaga ng bladder, resulta ng paggamit ng toilet paper, at mga aktibong aktibidad gaya ng pangangabayo at pagbibisikleta.

3. Pagiging sobrang aktibo ng pantog. Ayon sa mga medical experts, ang pag-ihi ng walong beses o higit pa sa loob ng 24 na oras ay maaari nang maituring na frequent urination. May mga naitalang nang ganitong kaso na tinatawag ding overactive bladder na nasa mahigit 30 milyon sa America pa lamang, o 40 porsyento ng mga kababaihan sa bansa ang nakakaranas ng ganitong sanhi.

4. Diabetes. Ito ay maaari ring maging sanhi ng maya’t-mayang pag-ihi. Maging ang labis na pag-inom ng kape, paninigarilyo, paggamit ng artificial sweeteners, at pag-inom ng alak ay may posibilidad na makairita ng bladder, at mas makapagpalala pa ng mga sintomas ng maya’t-mayang pag-ihi.

5. Iba pang mga sakit. May ilang mga karamdaman ding nagiging sanhi ng overactive bladder at maya’t-mayang pag-ihi. Nariyan din ang mga kondisyong maaring makaapekto sa nerves, tissues at muscles gaya ng multiple sclerosis o MS, o stroke, estrogen deficiency dulot ng menopause, at sobrang bigat ng timbang, at tumor o delikadong bukol sa urinary tract.

Ang balisawsaw ay maaari ring maging side effect ng ilang supplements o gamot.

Ano ang mga sintomas ng balisawsaw?

Ilan sa mga sintomas na kadalasang kasama ng maya’t-mayang pag-ihi o madalas na nakakaramdam ng pag-ihi, ay abnormal na discharge, lagnat, sobrang pananakit ng ari ngunit hindi tuluy-tuloy. Kung iihi naman, ito a sobrang dami o patak-patak lamang namay mahapdi o makirot na pakiramdam. Kadalasan din, ang ihi ng binabalisawsaw ay may matapang na amoy ng ihi at sobrang sakit ng lower back at lower abdomen. Malabo rin ang ihi o may kasama nang dugo sa tuwing umiihi ay isa ring indikasyon na binabalisawsaw ang isang tao. Ang mga pakiramdam na giniginaw ng sobra, nahihilo at hindi na kontrolado ang paglabas ng ihi, mga indikasyon din ito ng balisawsaw.

Narito ang ilang mga indikasyong malaki ang tsansa na magka-balisawsaw:

  • Kung ikaw ay babae
  • Ikaw ay diabetic
  • Nagkaka-edad na
  • Lumalaki ang prostate
  • Ikaw ay may bato sa bato
  • Ikaw ay buntis
  • Gumagamit ka ng catheter

Ano ang gamot sa balisawsaw?

Pagkatapos mong sumailalim sa isang masusing pagsusuring pisikal, ang iyong doktor ay puwedeng mag-request ng series of lab tests upang matukoy kung ano ang talagang sanhi ng balisawsaw mo o hirap mo sa pag-ihi. Kapag natukoy na ang tunay na sanhi ng iyong balisawsaw, maaari nang simulan ang panggagamot sa iyong sakit.

Laging tatandaan na ang balisawsaw maaaring isa lamang sa mga sintomas ng isang mas malubhang sakit na kapag napabayaan ay puwedeng mag-resultaa lamang ng mga komplikasyon. Kaya naman mas mabuting kumonsulta na sa espesyalista kung talagang hindi na maganda ang pakiramdam.

Kung UTI ang sanhi ng iyong balisawsaw, puwedeng magbigay ang doktor ng napakalas na antibiotics na iinumin sa loob ng 3 hanggang 7 araw. Matapos ang 3 to 7 days of medication, ikaw ay isasailalim uli sa isang urinalysis o urine test upang matukoy kung talagang bumaba na ang lebel ng bacteria sa ihi mo.

Mayroong mga pagkakataong ang balisawsaw ay sanhi ng biglaang pagbaba ng mga lakido partikular na ng tubig sa katawan ng isang tao bilang resulta ng sobrang init ng panahon at overfatigue. Maiibsan ang discomfort at ang balisawsaw kung ikaw ay iinom ng maraming tubig.

Paano makaiiwas sa balisawsaw?

Ang apat na pahinga, pag-inom ng maraming tubig araw-araw, pagkain ng malulusog na pagkain ay ilan lamang sa mga dapat mong gawin upang makaiwas sa balisawsaw.

Bagama’t naturingan nang ordinaryong sakit, ang balisawsaw ay maaari namang maiwasan. And the better news is that, hindi mahirap ang mga pamamaraang dapat sundin para hindi ka makaranas ng balisawsaw.

Narito ang ilan sa mga iyon:

  1. Siguraduhing may sapat na pahiga.
  2. Uminom ng 10 hanggang 20 baso ng tubig kada araw.
  3. Iwasan ang mga maaalat na pagkain.
  4. Uminom ng madalas at maraming buko juice.
  5. Panatilihing malinis ang pisikal na pangangatawan.

Nabanggit na, na ang pag-inom ng buko juice ay makatutulong para maibsan ang iyong pakiramdam sa tuwing binabalisawsaw. Ito rin ay mainam para hindi balisawsawin. Ang buko juice ay sikat na sikat bilang diuretic o inuming nakapagpaparami ng ihi ng tao. Kung marami ang iiihi mo, mas malaki ang tsansang maalis ang bacteria na nasa urinary tract mo.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top