Pananakit ng Likod sa Bandang Itaas na Dapat Bantayan

Sumasakit ba ang likod ma partikular na sa may bandang itaas? Marahil ay nag-aalala ka dahil hindi lang ordinaryong sakit ang nararamdaman mo, at sa bandang itaas kasi ang pananakit at hindi ito ordinary para sa iyo. Huwag kang mag-alala. Sa artikulong ito, mas malalaman mo kung anong klaseng sakit sa likod ang dumapo sa iyo at kung paano ito malulunasan at maiiwasan.

Ano ang pananakit sa likod sa Bandang Itaas?

Kung ang pananakit ng likod sa bandang itaas ay naramdaman mo, marahil, ito ay dahil sa pinsalang dulot ng matinding thoracic spine.

Ito ay gulugod sa may parteng dibdib, na nag-uumpisa sa gitna ng likd na bahagi ng katawan pataas. Kung ikukumpara sa iyong leeg at mas mababang parte ng kilod, mas mayroong lakas na lumalaban sa pananakit at pinsala.

Ano ang sanhi ng pananakit ng likod sa bandang itaas?

Iba-iba ang dahilan ng pananakit ng likod sa bandang itaas. Puwedeng ito ay sanhi ng impeksiyon kalamnan.

Kung hindi na makabangon o makakilos sahil sa sobrang pananakit ng likod sa bandang itaas, madalas, makakaramdam ka ng sakit na animo’y nasusunog ang isang bahagi o kumikirot nang todo na parang may sumusiklab sa iyong leeg at balikat.

Puwedeng ito ay mag-umpisa ng dahan-dahan gaya ng pag-upo sa maling paraan habang ikaw ay nagtatrabaho.

Madalas din, ang pananakit ng likod sa bandang itaas ay hindi dulot ng isang matindi o seryosong karamdaman, pero nararanasan ito kung minsan, dahil sa impeksiyon o sakit dulot ng pagkarupok ng gulugod na nakakaapekto sa nerve na tinatawag maging sa spinal cord.

Ano ang mga sintomas ng pananakit sa likod sa bandang itaas?

Iba-iba man ang sanhi ng pananakit ng likod sa bandang itaas, pero halos pareho naman ang mga sintomas na mararamdaman.

Ang mga mababasa mong senyales dito ay ang mga pangkaraniwang mararamdaman kapag sumasakit ang likod sa may bandang itaas:

  1. Matinding pananakit. Ang pananakit ay parang may pakiramdam na sinasaksak, pinapaso o kaya nama’y iniipit.
  2. Nangangalay ang itaas na bahagi ng likuran. May posibilidad itong kumalat sa mga iba pang kalapit ng sumasakit na bahagi tulad ng leeg, bandang ibaba ng likod at balikat.
  3. Hirap igalaw ang katawan. Kung ang sakit at pamamagang nararanasan ay lumala, ito a puwedeng maging sanhi ng pagkahira sa paggalaw ng mga litid, kalamnan at kasukasuan sa itaas na bahagi ng kilod.
  4. Nanghihina o namamanhid ang katawan. Ang ganitong karamdaman ay maaaring gumapang pababa ng kamay, tiyan, baywang at sa paa. Manhid ang pakiramdam kapag may parang tumutusok sa iyong likod hanggang sa bahagi ng ribs.

Ano ang gamot sa pananakit ng likod sa bandang itaas?

Kapag may ganitong nararamdaman, siguradong naghahanap na ng mga paraan kung paano gagamutin ang pananakit ng likod sa bandang itaas.

Katulad ng nabanggit, dahil iba-iba ang uri ng pagsakit at iba-iba rin ang sanhi, iba rin ang mga paraan para gamutin ang naturang sakit. Narito ang ilan sa mga dapat gawin o inumin:

  1. Pagsasailalim sa isang physical therapy sa likod. Ang therapist mo ay maaaring mag-develop ng isang programa para magamot ang pananakit ng likod sa bandang itaas. Madalas, ang program ay naka-focus sa pagpapalakas ng kalamnan partikular na sa likod na bahagi ng katawan.
  2. Maaari ring uminom ng gamot sa nararamdamang sakit. Pag matindi at biglaan ang sakit na nararamdaman, ang pag-inom pansamantala ng niresetang gamot ng doktor ay makakatulong.
  3. Magpaturok ng gamot. May mga injectable medicines na puwedeng iturok sa spine para sa malubha na o matinding sakit. Kapag ganito na ang kailangang gamot, dapat doktor ang magrekomenda at magsagawa ng pagtuturok.

Paano makaiiwas sa pananakit ng likod sa bandang itaas?

Makakaiwas ka sa pananakit ng likod sa bandang itaas sa pamamagitan ng pag-i-improve ng physical condition mo at sa tamang paggalaw.

Para mas mapatatag pa ang likod, lalo na ang itaas na bahagi nito:

  1. Magkaroon ng regular exercise – Hindi naman kailangang maging komplikado ang regular exercise mo. Ang paglalakad o paglangoy ay makatutulong sa pagpapanatili ng pagkakaroon ng matatag at malusog na likod.
  2. Palakasin ang tiyan sa pag-eehersisyo para sa likod at tiyan. Ang flexibility ng balakang mo, maging ng mga hita ay malaking tulong din para sa mas malusog at matatag na itaas na bahagi ng likod.
  3. Panatilihin ang tamang timbang. Madalas ang sobrang bigat ang madalas na nagiging dahilan ng pagsakit ng likod, ano mang parte ito.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top