Subok na Mabisang Mga Gamot Sa Ubo!

Walang pinipiling panahon ang ubo. Tag-ulan man iyan, tag-init o tag-lamig bigla-bigla na lamang umaatake ang sakit na ito. Siguradong agree ka rito dahil minsan (o paulit-ulit) ka nang inubo.

Baka nga hindi ka na nawawalan ng gamut sa ubo sa loob ng medicine cabinet o refrigerator mo eh, dahil sa paghahanda sa posibleng pag-ataki ng sakit na ito. Maraming puwedeng dahilan ng pagkakaroon ng ubo.

Mula sa pinakasimple at karaniwang sanhi, hanggang sa pinaka-komplikado, importanteng malaman mo ang mga ito. Maging ang mga sintomas, dapat inumin at gawin para lunasan ang sakit, at kung paano ito iiwasan ay madidiskubre mo rito.

Ano ang ubo?

Ang ubo ay isang uri ng sintomas ng mga karamdaman na puwedeng konektado sa daanan ng baga o paghinga, at may posibilidad na magkaiba depende sa ‘bacteria’ o ‘virus’ na sanhi nito.

Katulad ng sa panahon, ang ubo ay wala ring pinipiling edad at kasarian.

Ito ay maaaring maranasan ng bata o matanda, babe man o lalaki. Ang sakit na ito ay isang reaksiyon na nagmumula sa katawan ng tao upang ilabas o tanggalin ang plema, sipon at iba pang mga bagay na makapagpapa-irita sa baga at mga daluyan ng hangin.

Iba-iba ang katangian ng ubo at madalas, ito ay indikasyon ng mga karamdaman sa baga katulad na lamang ng common colds at bronchitis. Madalas, nakakaramdam ng pananakit ng lalamunan ang taong mayroon nang malubhang ubo.

Ano ang sanhi ng ubo?

Ang pagkakaroon ng sipon, trangkaso, hika, tuberculosis, bronchitis, kanser sa baga, at ibang mga sakit ay maaaring dahilan kung bakit ka umuubo.

Puwedeng magtagal ang ubo ng iilang oras lang hanggang ilang linggo pero depende ito sa uri ng ubo mayroon ang pasyente. Depende rin sa sanhi ng ubo ang pananatili nito sa katawan ng tao.

Mahalang malaman mo ang iba’t-ibang sanhi ng ubo upang matukoy din kung anong klaseng gamut ang dapat inumin kapag umatake ito sa iyo o isa sa mahal mo sa buhay. Narito ang ilan sa mga sanhi:

  1. Tuberculosis o TB
  2. Bronchitis
  3. Kanser sa baga o lung cancer
  4. Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
  5. Emphysema
  6. Larynghitis

May mga taong dumaranas ng iba’t-ibang karamdamang konektado sa ubo gaya na lamang ng pulmonya, trangkaso, sipon, asthma, whooping cough at allergies.

Bukod pa rito, may mga tao ring aksidentent nakakalanghap ng mga bagay na maaaring makairita sa kanilang lalamunan o kaya naman, sila ay natutuyan ng pawis sa likod.

Ang plema ay isa naman sa mga pangkaraniwang itinuturong sanhi ng ubo. Nabubuo ito kapag ang bacteria, yeast, virus o ano pa mang bagay na nakakairita sa daanan ng paghinga ay nairita na.

Ano ang mga sintomas ng ubo?

Ang pagkakaroon ng plema, pagsakit ng ulo, pangangati ng lalamunan, pagsakit o pagsikip ng dibdib at iba pa ay mga sintomas na kasama ng ubo.

Kung inaakala mong ang ubo ay nakapa-ordinaryong sakit lang at wala kang masyadong mararamdamang sakit, nagkakamali ka.

May mga iba’t-ibang sintomas din ang ubo lalo na’t iba-iba rin ang klase nito. Hindi ka rin naman dapat mag-alala ngayong alam mo nang may mga sintomas pala ang simpleng sakit na ito. Dapat lang alam mo kung ano-ano ang mga indikasyong ito. Narito ang ilan:

  • Sinisipon at may plema
  • Masakit ang ulo
  • Nahihirapang huminga
  • Nangangati at sumasakit ang lalamunan
  • Sumasakit ang dibdib
  • May wheezing sound o kasamang paghuni kapag umuubo

Ano ang gamot sa ubo?

Ang pag-inom ng mga over the counter na gamot tulad ng expectorant, mucolytic at antitussive ay mabisang paraan bilang gamot sa ubo. Tandaan na kailangan mong magtanong sa doktor bago ka uminom ng mga ito!

May tatlong pangunahing gamot sa ubo na mabibili sa botika. Ang mga ito kadalasan ang binibili upang maibsan ang pakiramdam sa tuwing umaatake ang sakit.

Una na rito ang Expectorant. Ito ay isang uri ng gamot sa ubo na tumutulong para mailabas ang plemang bumabara sa lalamunan na siyang nagiging sanhi ng pag-ubo.

Nariyan din ang Mucolytic, isang klase naman ng gamot sa ubo na nagpapalambot sa makapal at malagkit na plema na humaharang naman sa daanan ng hangin para mas madaling mailabas at tuluyan nang mawala ang ubo.

Maari ring subukan ang Antitussive, isang uri naman ng gamot sa ubo na pumipigil sa sakit na ito. Madalas ay rekomendado ito kapag ang ubo ay kakasagabal na sa pagtolog o nagiging sanhi ng pagiging hindi komportable sa maghapon.

Paano makaiiwas sa ubo?

Ang pag-iwas sa pakikihalubilo sa mga taong may sipon o inuubo, pagpapabakuna laban sa trangkaso at pagtigil sa paninigarilyo ay ilan sa mabisang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng pahirap na ubo.

Katulad ng nabanggit, ang ubo ay maaaring maging sakit ng kahit na sinong tao sa mundo. Wala ni isang indibidwal ang hindi pa nagkaka-ubo, at siguradong wala rin ni isang taong makakaiwas dito. Pero maaari mo naming mapigilan ang pag-atake nito ng madalas, maging ang pagkalat nito. Narito ang ilang mga dapat gawin:

  • Iwasan ang taong inuubo para hindi mahawa.
  • Magpabakuna upang maiwasan ang iba pang mga sakit na nagiging sanhi ng ubo.
  • Tigilan na ang paninigarilyo.
  • Palaging maghugas ng kamay lalo na kapag uso ang trangkaso at ubo.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top