Pamilyar ka ba sa sakit na bato sa apdo? Bihira lang ang mga taong nakakaalam ng maraming impormasyon tungkol sa sakit na ito. Malagang malaman muna kung ano ang apdo. Ito ay tinatawag ding gallbladder o cholecyst, isang maliit at maitim at hugis-peras na supot at nasa 7 to 10 centimeters ang haba.
Ito ay nakakabit sa ilalim ng atay at may taglay na berde at mapait na berdeng likido na may 50 ml ang dami. Ang likidong ito ay tinatawag na bile o apdo. Kung ikaw ay babae at may edad na 40 pataas, malaki ang tsansa mong magkaroon ng bato sa apdo dahil ayon sa mga pag-aaral at base na rin sa mga naging pagsusuri ng mga doktor, sa ganitong edad at kasarian kadalasang dumadapo ang sakit na ito.
Ano ang bato sa apdo?
Ang bato sa apdo ay hindi pangkarinawang bato na natatagpuan sa katawan ng tao. Ito ay mga pira-pirasong matitigas na bagay na nagbubuo sa gallbladder.
Ang gallbladder ay maliit na organ na nasa may itaas ng tiyan. Katulad ng nabanggit, ang bato na tinatawag ding gallstone ay isang maliit at hugis-peras na nabubuo sa loob ng gallbladder. Ang stone formation process sa apdo ay tinatawag ding cholelithiasis. Kadalasan, ito ay isang mabagal na proseso na karaniwang nagiging dahilan ng kawalan ng sakit o ano pa mang sintomas.
Ano ang sanhi ng bato sa apdo?
Kung naghahanap ka ng kongkretong sagot sa tanong kung bakit nabubuo at nagkakaroon ng bato sa apdo, sorry to disappoint you, pero walang malinaw na sagot diyan.
Pero may paliwanag naman ang ilang mga eksperto. Ang namumuong bato raw ay puwedeng dulot ng mga sumusunod:
- Sobrang kolesterol sa bile – an lumalabas na bile sa atay na nagtutungo sa apdo ay natural na may kasabay na cholesterol Subalit may pagkakataong lubhang mataas na ang cholesterol level. Dahil ditto, nahihirapang tunawin ng bile ang lahat ng cholesterol sa katawan kaya namumuo at tumitigas ito bilang bato.
- Labis-labis na biliburin sa bile – Ang bilirubin ay isang uri ng chemical na lumalabas sa atay na maaari ring maging dahilan ng pagdanas ng bato sa apdo. Kaugnay nito, tumataas ang bilirubin production sa pagkakaroon ng cirrhosis o pagkasira ng atay, at ilan pang mga uri ng impeksyon sa atay. Malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng bato sa apdo kapag may labis na bilirubin.
Ano ang mga sintomas ng bato sa apdo?
Ang pasumpong-sumpong na pagsakit ng sikmura na lumalala at gumagapang papuntang itaas sa kanang bahagi ng tiyan ang pangkaraniwang sintomas ng pagkakaroon ng bato sa apdo, kapag ito ay bumara na sa mismong apdo.
Hindi sa lahat ng oras ay mararamdaman mo ang mga sintomas ng bato sa apdo. Makakaranas ka lamang ng alin man sa mga sintomas kapag bumara na ang mga bato sa daanan ng likido sa tiyan. Ang mga indikasyon puwede mong makita at maramdaman ay ang mga sumusunod:
- Pasumpong-sumpong na pagsakit ng sikmura na lumalala at gumagapang papuntang itaas sa kanang bahagi ng tiyan.
- Pasumpong-sumpong na pagsakit ng sikmura na lumalala at gumagapang papuntang ibabang bahagi ng dibdib.
- Sumasakit ang likod sa may gitna ng mga balikat.
- Sumasakit ang kananang balikat.
Ano ang gamot sa bato sa apdo?
Dahil hindi pangkaraniwan ang sakit na bato sa apdo, hindi rin basta-basta ang gamot dito. Hindi rekomendado ang self-medication o natural treatment para maibsan ang bato sa apdo.
Kakailanganin kaagad ang tulong ng doktor para magamot ito. Maari kang dumaan sa laparoscopic cholecystectomy, isang surgical procedure na isinasagawa para magamot ang bato sa apdo.
Tintatanggal ng doktor ang gallbladder sa pamamagitan ng paghiwa ng maliit sa tiyan na pinadadaan sa laparoscope at iba pang mga aparatong pang-opera.
Maari rin namang dumaan sa non-surgical treatment kung saan ang doktor ay gumagamit ng mga synthetic medicines tulad ng chenidiol at ursodiol na nakapagpapatunaw ng gallstones.
Madalas, ito ay inirerekomenda ng doktor sa kaniyang mga pasyenteng hindi pa naman kailangan ng operasyon.
Paano makaiiwas sa bato sa apdo?
Pagkain ng sapat at tama sa oras ang siyang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng bato sa apdo.
Nabanggit na sa unang bahagi ng artikulong ito na ang mga sintomas ay maaaring hindi agad maramdaman. Pero may paraan para mapalabas ang bato at maiwasan na ang paglala pa ng bato sa apdo.
Maaaring kumain ng mansanas para lumambot ang bato sa apdo. Para lubusang makaiwas sa pagkakaroon ng gall stone, kumain ng tama sa oras.
Piliting huwag lumiban o mag-skip ng meal dahil ang fasting o pagliban sa pagkain ay puwedeng magdulot ng gallstone.
Huwag ding bibiglain ang pagbabawas ng timbang. Kung kinakailangan mong magpapayat, huwag itong bibiglain dahil maaari itong maging sanhi ng ng gallstone. Panatilihin na lamang ang tamang timbang.