Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Baradong Ilong

Nakakainis talagang makaranas ng baradong ilong, hindi ba? Tunay ngang hassle dahil sipong-sipon na kaya hindi na talaga makahinga. Ang ganitong kondisyon ay puwedeng magdulot ng hindi kanais-nais na experience dahil sobrang abala ito sa pakikipag-usap sa ibang tao. Madalas din, dahil sa hindi komportableng pakiramdam, hindi makagawa ng regular na aktibidad. Tungay ngang ang laking epekto nga baradong ilong bagama’t pangkaraniwan na lamang ito kung ituring.

Ano ang baradong ilong?

Ang pagbabara ng ilong ay isang kundisyon na dala ng sipon o pamamaga ng sinus.

Karamihan sa ating mga Pinoy ang nag-iisip na resulta lamang ng sobrang sipon ang baradong ilong. Gayunpaman, ang ganitong kondisyon ay sadyang dahilan ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo sa sinus.

Ang mga pamamagang ito ng daluyang ay madalas na nagti-trigger ng sipon, allergy, impeksyon o allergy.

Anuman ang dahilan ng baradong ilong may mga easy ways para maibsan ang pakiramdam at maiwasan ito. Sa artikulong ito, matutuklasan mo ang mga iba’t-ibang sanhi ng baradong ilong, mga sintomas at gamot dito.

Ano ang sanhi ng baradong ilong?

Ang baradong ilong ay posibleng sanhi ng anumang bagay na maaring nakakapamaga o nakakairita ng mga tissues sa ilong, o kaya nama’y dulot ng trangkaso o sipon.

May ilang mga taong dumaranas ng baradong ilong sa napakatagal na panahon pero wala namang natutukoy na sanhi o dahilan. Narito ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng ganitong kondisyon:

  • Acute sinusitis
  • Allergy
  • Sipon
  • Chronic sinusitis
  • Pag-abuso sa paggamit ng droga
  • Nasobrahan na sa paggamit ng gamot para sa baradong ilong
  • Trangkaso
  • Paglanghap ng tuyong hangin
  • Polyps sa ilong
  • Pagbabago ng hormones

Ano ang mga sintomas ng baradong ilong?

Maituturing mang isa nang sintomas ng ilang mga sakit ang baradong ilong, ang pagdanas ng ganitong kondisyon ay madalas na may kasabay na iba pang sintomas tulad ng pangangati ng ilong, pagbahin, pag-ubo, pagluluha ng mga mgata, pangangati at pamamaga ng lalamunan, matinding pagkahapo at madalas na pagsakit ng ulo.

Kung barado ang ilong mo, malamang, naranasan mo na ang ilan (hindi man ng lahat) ng mga nabanggit na sintomas. Ilan pa sa mga sintomas gaya ng pagsakit ng ulo at pagkahapo ay kadalasang nararanasan lamang sa tuwing magkakaroon ng longer-term na pagkahantad sa mga tinatawag na allergens.

Ano ang gamot sa baradong ilong?

Isa ang humidifier sa mga nagbibigay ng mabilis at madaling paraan para maibsan ang sakit at discomfort na nararamdaman na dala ng baradong ilong. May over the counter ding mga gamot na nabibili sa botika na sadyang ginagawa para lunasan ang baradong ilong.

Kino-convert ng makina ng humidifier ang tubig sa kahalumigmigan na unti-unting pumupuno sa hangin para mapataas ang humidity sa isang silid.

Nagbibigay-ginhawa sa namamagang tisyu at daanan ng dugo sa sinus at ilong ang paghinga sa hanging mamasa-masa.

Bukod sa humidifier, may ilang mga natural na pamamaraang maaaring subukan para gamutin ang baradong ilong. Sundin ang mga ito:

  1. Maligo upang maibsan ang baradong ilong
  2. Panatilihing hydrated ang iyong pangangatawan
  3. Gamitan ng saline spray ang baradong ilong
  4. Mag-hot compress
  5. Subukang gumamit ng mga decongestant para sa baradong ilong
  6. Mag-antihistamine at iba pang mga safe gamiting gamot sa allergy

Ang baradong ilong ay puwedeng maging sagabal sa iyong mga pang-araw-araw na gawain. Subukan ang mga nabanggit na remedy para guminhawa ang pakiramdam. Maaari ring sumubok sa ibang mga over-the-counter na gamot.

Paano makaiiwas sa baradong ilong?

Ang pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas na maghawa ng mga nakahahawang sakit tulad ng sipon o trangkaso ang siyang pangunahing paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng baradong ilong.

Ang baradong ilong ay maiiwasan kung dadalasan ang paghuhugas ng kamay. Siguraduhing gumamit ng sabon sa paghuhugas at maghugas ng di iiksi pa sa 20 segundo. Kung ikaw ay isang magulang, ituro sa iyong mga anak ang ganitong paraan ng paghuhugas. Kung walang sabon, gumamit ng sanitizer o alcohol.

Ang mga virus na dala ng sipon o trangkaso na nagreresulta sa baradong ilong ay puwedeng mabuhay sa kamay mo kaya dapat, mas madalas ang paghuhugas mo ng kamay. Ang gawaing ito ay nakatutulong para makaiwas ka hindi lang sa baradong ilong, maging sa iba pang mga sakit. Narito ang ilan pang mga pamamaraan para makaiwas sa ganitong kondisyon:

  1. Huwag hahawakan ang ilong, bibig at mata kung hindi pa nakapaghuhugas ng kamay
  2. Iwasan ang mga taong may sakit dahil maaari silang makapagkalat ng virus.
  3. Manatili lang sa bahay lalo na kung ikaw ay may sakit.
  4. Iwasan ang pakikihalubilo sa iba gaya ng paghalik, pagyakap at pakikipagkamay.
  5. Lumayo sa mga tao sa tuwing babahin o uubo.
  6. Maghugas ng kamay matapos bumahin, suminga o umubo.
  7. Mag-disinfect ng mga bagay na nahawakan mo kapag ikaw ay may sakit.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top