Kapag inaatake ka ng allergy, anong ginagawa mo? Kung dati mo nang sakit ito, tiyak na alam na alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa tuwing nakakaramdam ka na ng mga sintomas.
Eh paano naman kung hindi ka pa nagkaka-allergy at natatakot kang makaranas nito? Siguradong interesado kang malaman kung ano ang dapat gawin sa oras ng allergy.
Sigurado ring gustong-gusto mong malaman kung ano ang mga sanhi ng allergy, mga sintomas at gamot nito, at ang mga paraan ng pag-iwas dito. You are on the right page dahil dito, madidiskubre mo ang mga mahahalagang bagay na gusto mong malaman tungkol sa karamdamang ito.
Ano ang allergy?
Ang allergy ay isang ordinaryong proseso sa katawan ng isang tao. Kapag may isang bagay o organismong hindi sanay ang iyong sistema, na pumasok sa iyong katawan, ito ay maglalabas ng mga antibodies na lalabanan ang foreign bodies para mapigilan ang sakit.
May pagkakataong, maaaring magkamali ang katawan sa pagsasabing ang pagkaing nakain mo o bagay na nalanghap mo ay masama kahit pa sa katunayan ay hindi. Kapag ganito ang sitwasyon, maikokonsiera na itong isang allergic reaction o allergy. Ang mga components na nagiging sanhi ng allergy ay tinatawag na allergens. Ang pagkain, hangin at gamot ay maaring maging allergen para sa iyo.
Ano ang sanhi ng allergy?
Kapag na-expose sa, o napasukan ng allergens ang katawan mo, maaari kang makaranas ng iba’t-ibang mga sintomas. May mga ibang pasyenteng, ang ordinaryong allergy ay puwdeng magresulta sa anaphylaxis. Ito ay isang malalang kondisyon na puwedeng maging rason ng biglang pagbagsak o pagbaba ng blood pressure at hirap sa paghinga.
Kaugnay nito, may mga pasyenteng namamatay nang dahil sa pag-atake ng puso. Sa mas simpleng paliwanag, may posibilidad na maging mapanganib ang allergy. Puwede mo itong gamutin sa pamamagitan ng decongestant, antihistamine o hyrocorstisone cream.
Sa madaling salita, ang allergy ay maaaring maging mapanganib. Maaari mong gamutin ang allergy sa pamamagitan ng antihistamine, decongestant o hydrocortisone cream. Maaaring iba-iba ang epekto ng sakit sa balat na ito. Ito ay naaayon sa pasyente at klase ng allergy na dumapo sa kaniya.
Ano ang mga sintomas ng allergy?
Ang mga sintomas ng allergy ay depende sa sanhi ng sakit sa balat na ito. Nararanasan ang mga senyales sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung saan umatake ang allergy.
Maaaring maramdaman ang sintomas sa ilong, daanan ng hangin, balat, at sistema ng panunaw. Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sintomas na nararanasan ng mga taong may allergy:
- Namamantal ang balat
- May rashes sa balat
- Hindi makahinga
- Nagsusuka at nagtatae
- Namamaga at namumula ang mukha
- Nangangati ang bibig at buong katawan
Ano ang gamot sa allergy?
May mga gamot namang nabibili over the counter para sa allergy. Katulad ng nabanggit, nariyan ang antihistamine at decongestant para sa mga minor symptoms.
Ang antihistamine ay para maibsan ang pangangati ng balat at ang decongestant naman ay para matanggal ang bara sa ilong.
Para sa namumula, nangangati at namamagang balat, maaari itong maibsan kung gagamit ka ng yelo o kaya naman, ng mga pampahid na may corticosteroid content. Mahalagang pumunta sa doktor para makita kung anong klase ng allergy ang mayroon ka. Nang sa gayon din ay malaman kung anong gamot sa allergy ang irerekomenda sa iyo para maibsan ang allergic reactions.
Dahil lamang available over the counter ang ilan sa mga gamot sa allergy, hindi ibig sabihin nito ay maaari na lamang bumili kahit na anong oras at inumin ito. Tandaan, hindi ka dapat basta-basta uminom ng gamot nang walang reseta o hindi aprubado ng doktor.
Paano makaiiwas sa allergy?
Ang pag-iwas sa mga bagay na maaaring maging dahilan ng pag-atake ng iyong allergy ay siyang pinakamabisang paraan upang makaiwas ka sa mga sintomas ng allergy.
Hindi naman lahat ng tao ay ina-allergy. Pero hindi ibig sabihin nito ay ligtas na sila at hindi na kailanman makakaranas nito.
Sa katunayan, lahat ng tao sa mundo ay maaaring magka-allergy. Madalas, ang mga taong ay may allergic reaction sa mga insekto. Ilan sa mga dapat iwasang makagat ka ay ang bubuyog, lamok, putakte at langgam. Kung alam mo namang may allergic reaction ka sa mga pagkain gaya ng seafoods, tsokolate at itlog, iwasan na ang pagkain ng mga ito.
Kung dati ka nang sinusumpong ng ganitong sakit at hangin ang madalas na sanhi, uminom na kaagad ng gamot na pangontra pag alam mong ang hanging mayroon sa paligid ang magdudulot ng allergy na ito sa iyo.