Gamot sa Arthritis: Ano Nga Ba Ang Mabisa?

Napakahirap talaga ang pagkakaroon ng arthritis. Sa kamay man ito dumapo o sa paa, sadyang napakahirap gumalaw at gawin ang mga bagay na dapat gawin. Kung may ganito kang sakit, siguradong nakakarelate ka rito.

Malamang nga, nasubukan mo na lahat ng gamot sa arthritis para maibsan ang pakiramdam mo. Kung bago naman para sa iyo ang sakit na ito, huwag kang mag-alala. Tuturuan ka ng artikulong ito ng mga mahahalagang impormasyon para sa mas epektibong gamot sa arthritis.

Ano ang arthritis?

Arthritis na maituturing ang iba’t-ibang mga kondisyon ng rayumang may koneksyon sa kasukasuan at paligid na parte ng katawan. Maraming klase ng sakit na ito ang nakaka-apekto sa milyon-milyong tao sa mundo.

Karamihan sa mga taong ito ay iyung mga medyo may edad na. Ang pinaka-pangkaraniwang klase ng arthritis ay ang osteoarthritis na nagiging sanhi ng pagiging sira ng cartilage ng dugo. Samantala, kabilang ang rheumatoid arthritis sa ibang klase ng malubhang arthritis na inaapektuhan ang kasukasuan sa pagtagal-tagal. Madalas, inaabot ng ilang buwan bago pa man maranasan ng pasyente ang sari-saring sintomas ng arthritis.

Ano ang sanhi ng arthritis?

Ang numinipis na cartilage ang siyang nagiging sanhi ng arthritis. Isa pa, angpagkasira nito o ang wear and tear nito dulot ng katandaan ay nagiging pangunahing sanhi rin ng pagkakaroon ng sakit na osteoarthritis, isang pangkaraniwang uri ng arthritis.

Ang pinsala o impeksyon ang siyang nakapagpapabilis ng pagkasira ng tissues sa cartilage. Kaugnay nito, mas may malaking posibilidad ng pagkakaroon ng osteoarthritis ang isang taong may mga kapamilyang mayroon na nito.

Ang isa pang klase ng arthritis ang ang rheumatoid arthritis isang karamdamang dulot ng problema sa immune system ng isang tao. Sa ganitong sitwasyon, inaatake ng immune system pinaka-tissue ng katawan. Ang ganitong klase ng pag-atake ay nakakaapekto sa isang malambot na tissue na matatagpuan sa joints na tinatawag na synovium. Ito ang siyang gumagawa ng fluid na kailangan ng cartilage sa katawan upang maging mas madulas ang mga kasukasuan.

Ano ang mga sintomas ng arthritis?

Dahil may dalawang uri ang arthritis, mayroon ding dalawang grupo ng mga sintomas ang sakit na ito na dapat bantayan. Pero pangunahing sintomas ng arthritis ang pananakit ng mga kasukasuan.

Una, kung may osteoarthritis ka, ang mga sintomas ng uri ng arthritis na ito ay pananakit ng joints at paninigas na mas lumalala pa sa paglipas ng panahon. Kung dumaranas ka naman ng rheumatoid arthritis, ikaw ay makakaramdam ng paninigas at pamamaga sa iyong mga daliri, kamay, binti at mga kasukasuan, lalo na tuwing umaga sa paggising mo.

Ano ang gamot sa arthritis?

May mga over the counter na gamot sa arthritis na maaari mong inumin bilang pain reliever. Pero tandaan na kailangan mong kumunsulta sa doktor bago ka uminom ng anuman para sa sakit.

Alin man sa dalawang klase ng arthritis ang mayroon ka, walang duda na sadyang naghihirap ka sa sakit na ito. Sa tanitong kondisyon, maiibsan ang pakiramdam sa pamamagitan ng pain reliever na nabibili over the counter.

Pero panandaliang ginhawa lamang ito dahil ang pain reliever ay nakakasama sa kalusugan kapag sumobra ka sa inom nito. May mga gamot sa arthritis namang maaari kang subukan na walang side effects at puwedeng matagpuan sa bahay. Narito ang ilan:

  • Luya – Ito ay isang halamang gamot sa arthritis na panlaban sa pamamaga.
  • Masahe – Ang pagmamasahe gamit ang natural na langis o coconut oil ay nakakatulong para magamot ang sakit at mga sintomas na dulot ng arthritis. Nakakatulong din ang masahe para maging maganda ang pagdaloy n dugo.
  • Luyang dulaw – Kapag araw-araw kang kumakain ng turmeric o luyang dilaw ay nakakatulong para humupa ang pamamaga ng arthritis. Ang taglay nitong curcumin ay kilala sa pagkakaroon ng anti-inflammatory properties.

Paano makaiiwas sa arthritis?

Ang pag-iwas sa mga pagkaing bawal na nakalista sa baba ang siyang pangunahing paraan upang makaiwas sa arthritis.

Maraming tao na ang may arthritis sa buong mundo. Ikaw man ay maaaring maging biktima ng sakit na ito. Pero hindi ka naman dapat mag-alala.

At kung mayroon ka na nito, hindi ka pa rin dapat mag-worry dahil puwede naman itong mapigilan sa pag-atake. Ang pinaka-dapat gawin ay umiwas sa mga bawal na pagkain at inumin. Narito ang iba pang mga pamamaraan:

  1. Pag-iwas sa mga pritong pagkain at processed foods.
  2. Maghalo ng mga prutas at gulay sa everday diet mo.
  3. Iwasan ang pagkain ng asukal. Ito ay puwedeng maging dahilan ng sobrang pamamaga.
  4. Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing gawa sa gatas dahil maaaring hindi ka hiyang sa protinang taglay nito na maaaring makapag-trigger pa ng rayuma mo.
  5. Umiwas na sa sigarilyo at alak. Ang dalawang ito ay hindi lamang nakapagpapalala ng rayuma. Sila ay nakapagdudulot din ng iba pang mga sakit.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top