Epektibong Mga Gamot sa Bulutong

Isa sa mga pinaka-hindi komportableng sakit sa balat ang bulotong. Bukod sa napakakati nito sa buong katawan, nakakahiya pa lalo na kapag dumarami na ang mga patse-patse sa mukha. Kung hindi ka pa nagkaka-bulutong, malamang natatakot kang magkaroon nito.

Siguro kinakabahan ka sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-init kung kailang usaong-uso ang bulutong. Sa artikulong ito, matutuklasan mo kung ano nga ba ang sakit, maging ang sanhi at sintomas nito. Malalaman mo rin dito ang mga tamang gamot sa bulutong at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang bulutong?

Ang bulutong ay dulot ng Varicella zoster virus (VZV) at puwede itong mahawa sa pagsinghot ng hanging may virus at ang virus na ito ay maaaring mangyari kapaag malapit ka sa isang taong mayroon nito.

Posible ka ring mahawa sa bulutong kung mahahawakan mo o madidikit ka sa pasyenteng mayroon nito. Ang mga pasyenteng mayroon nito ay nakakahawa dalawang araw bago pa man lumitaw ang mga butlig hanggang limang araw pa lang ang nakakalipas.

Ano ang sanhi ng bulutong?

Pinakapangkaraniwang sanhi ng bulutong ay ang pagkakahawa sa iba tulad ng kapatid, magulang o sino mang kasama sa bahay ng Varicella zoster virus.

Pero paano kung ikaw ang nagsimula nito sa inyong bahay? Alam mo ba ang naging sanhi ng bulutong mo? Una, posbileng nahawa ka sa bulutong tubig. Ito ay kumakakalat pamamagitan ng hanging dala ang virus na nanggagaling sa pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit nang ganito. Puwede ring mahawa sa pamamagitan ng direktang contact ng laway, sipon at fluid na nagngagaling sa loob ng blisters.

Ano ang mga sintomas ng bulutong?

Ang pagkakaroon ng butlig na parang may tubig sa loob ay siyang pangunahing sintomas ng butlig.

Kung minsan ka nang nagkabulutong, alam mo na marahil kung ano ang sintomas ng sakit na ito. Kadalasan, ang bulutong ay may mga butlig kung saan makakakita at makakaranas ka ng ganitong mga katangian:

  • Parang may tubig ang loob
  • Nagsisimula sa tiyan, dibdib at ulo, at kumakalat na ito palabas
  • Makati ang mga butlig lalo na kapag malapit nang gumaling

Maaaring ang mga butlig ay papagaling at natutuyo na pero maaari itong magresulta ng peklat lalo na kung ang nagka-bulutong ay may edad 18 o pataas na. Bago pa magka-bulutong, maaari ring makitaan ng ilang mga sintomas tulad ng pananakit ng katawan, pagkahilo at pagsusuka, sinisinat at nilalagnat, nananakit ang lalamunan at tainga, panghihina at kawalan ng gana sa pagkain.

Ano ang gamot sa bulutong?

Dahil ang bulutong ay isang sanhi ng virus at kusang nawawala, kadalasan, hindi na ito kinakailangan pang gamutin.

Pero importanteng panatilihing malinis ang pangangatawan habang mayroon ka ng ganitong sakit para maiwasan ang pagka-impeksyon ng mga butlig.

Mahalaga ring maiwasang mabilad o mainitan, pawisan o mabanasan, dahil puwedeng mas lumala pa ang pangangati sa ganitong kondisyon. Hindi sapat ang antibiotics para mapuksa ang virus na dulot ng bulutong. Pero puwede kang bigyan ng gamot ng doktor kung ang mga sores ay nagdulot na ng bacterial infection.

Maaari ka ring bigyan ng cream ng doctor na maaaring gamitin para maibsan ang rashes. Iwasan ang pagkakamot ng mga butlig dahil ito ay puwedeng maging sanhi ng bacterial infection. Bara kay baby, gumamit ng medyas o mittens para maiwasan ang pagkakamot. Gupitin din ang kaniyang mga kuko para maiwasan ang mas malalang impeksyon sakali mang makamot ng sanggol ang blisters.

Paano makaiiwas sa bulutong?

Ang pagpapabakuna laban sa bulutong ang pangunahing paraan upang makatiyak na hindi ka mahawa ng sakit na ito.

Katulad ng sa tigdas-hangin, maging ng tigdas, ang bulutong ay puwede lang makuha ng isang beses sa buong buhay ng isang tao. Pero, sa pamamagitan ng Varicella vaccine, puwede namang tuluyan itong maiwasan.

Ito ay kadalasang ibinibigay sa unang taon ng isang bata. Ito ay nasusundan ng pangalawang turok sa pagsapit ng 4 o 5 taong gulang upang masiguro ang proteksyon nag nasabing vaccine.

Ang batang hindi nabakunahan ng ganitong vaccine ay ay may posibilidad na mas dapuan ng bulutong. Kaya naman dapat siguraduhing may bakuna ang iyong anak.

Ang batang may ganitong bakuna, pag nagkaroon sila ng bulutong, hindi ito magiging sobrang lala at mas mapapabilis ang paggaling kumpara sa mga walang bakuna.

Para maiwasan ang bulutong at pagkalat ng sakit sa inyong bahay, narito ang ilang mga dapat gawin:

  1. Ugaliing palaging lainis malinis ang katawan. Gawing regular ang paghuhugas ng kamay bago kumain at pagkakatapos gumamit ng banyo.
  2. Kapag mayroong may bulutong sa bahay ninyo, siguraduhing nasa hiwalay na kuwarto siya at hindi malalapitan ng iba pang miyembro ng pamilyang hindi pa nagkakaroon nito.
  3. Gumamit ng face mask at palagiang maghugas ng kamay kung ikaw ay mag-aalaga ng family member na may bulutong.
  4. Batama’t pangkaraniwan na lamang ang bulutong tubig, importante pa rin ang pagkonsulta sa doktor para sa mas mabisa at mabilis na gamot sa bulutong.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top