Ang pagpahid ng over the counter na antifungal cream ang pinakamabisang gamot sa hadhad. Para naman sa malalang mga kaso ng sakit na ito, maaaring magreseta ang doktor ng antifungal injection.
Ano ang unang pumapasok mo sa tuwing naririnig mo ang salitang hadhad? Karamihan sa mga Pinoy ay natatawa kapag nababanggit ang nasabing salita. Ang iba naman ay nakapagtatanong ng, ‘Ano iyon?’ Eh, ano nga ba ang hadhad? Kung kumakati ang iyong singit at hindi ka na makapagpigil na hindi magkamot, malamang, may hadhad ka na. Alamin sa artikulong ito kung ano nga ba ang karamdamang ito, paano ka magkakaroon nito, paano mo ito gagamutin at paano ito maiiwasan.
Ano ang hadhad?
Ang hadhad ay tinatawag ding ‘jock itch’ sa Ingles. Ito ay isang uri ng impeksyon o bakterya sa balat na dulot ng fungi. Madalas, naaapektuhan nito ang balat balat sa ari, sa puwit at singit.
Ang hadhad ay puwedeng maging resulta ng pamumula at pangangati sa maiinit na bahagi ng katawan. Maaari itong tumubo ng parang pabilog sa balat ng singit.
Bagama’t nakakairita, ang hadhad ay hindi naman seryosong karamdaman. Kaya naman importanteng mapanatiling malinis at tuyo ang singit at makapaglagay ng anti-fungal cream kapag nangangati ang singit.
Ano ang sanhi ng hadhad?
Ang hadhad ay dulot ng isang klase ng fungus na maaaring makahawa sa pamamagitan ng paghihiraman ng mga personal na gamit gaya ng damit at tuwalya. Ang karamdamang ito ay dala rin ng kaparehong fungus na dulot ng alipunga.
Ikaw ay posibleng magkaroon ng hadhad kung ikaw ay:
- Lalaki
- Teenager
- Overweight o mataba
- Mahilig magsuot ng masisikip na damit
- May mahinang immune system
- diabetic
Ano ang mga sintomas ng hadhad?
Madalas, ang hadhad ay nag-uumpisa sa pamumula ng apektadong parte ng balat na kumakalat sa singit. Ito ay may half-moon na hugis. Ang paligid ng pamumula ay napapalibutan ng mga pantal na may hawig sa bungang-araw.
Ang hadhad ay nagdudulot ng makating pakiramdam kung saan ang balat ay nagiging parang makaliskis. Kapag nakaramdam ng mga naturang sintomas, kumonsulta na sa doktor. Mahalaga ang pakikipag-usap sa doktor dahil lalo na kung ang nararamdamang pangangati at mga lumitaw na pantal sa balat ay hindi pa gumagaling ng dalang linggo na at kahit pa nagpahid nan g antifungal cream.
Ano ang gamot sa hadhad?
Kung hindi pa malala ang kondisyon ng hadhad, maaaring itanong sa doktor kung puwede kang gumamit ng over-the-counter na mga gamot gaya ng ointment, cream, pray o lotion.
Posibleng maalis kaagad ang mga pantal sa pamamagitan ng gamotpero kailangan pa rin ang patuloy na paglalagay nito sa loob ng dalawang linggo para tuluyan nang gumaling ang hadhad.
Para naman sa kaso ng alipunga, magagamot ito kasabay ng paglalapat ng lunas sa hadhad. Mababawasan nito ang panganib ng pagbalik o pag-ulit ng hadhad.
Kapag naman malala na ang hadhad o hindi epektib ang gamot na nabili over the counter, baka kailanganin mo na ng malakas na reseta ng ointment o cream. May mga pagkakataon ding kakailanganin na ng anti-fungal cream bilang gamot sa hadhad.
Paano makaiiwas sa hadhad?
Kalinisan ng katawan lalo na ang pagpapanatiling tuyo ng singit ang pangunahing paraan upang makaiwas ka sa pagkakaroon ng hadhad.
Hindi lahat ng tao ay nagkaka-hadhad. Ikaw man ay maaaring hindi magkaroon ng ganito basta’t gain lang ang mga paraan para makaiwas dito. Ang pagiging malinis mo sa katawan ay isa sa pinakaepektibong paraan para maiwasan mong magka-hadhad.
Gawing regular ang paghuhugas ng kamay at mababawasan ang posibilidad na makakuha ka ng sakit na hadhad. Importante ring manatiling malinis at tuyo ang balat lalo na sa may bahagi ng hita.
Isa pang paraan ng pag-iwas sa hadhad ang paghuhugas ng hita sa pamamagitan ng sabon. Patuyuin mo itong mabuti sa tuwing pagpapatapos hugasan o maligo. Layan ng pulbos o baby powder ang palibot ng iyong hita para mabawasan ang sobrang pagka-moisturized ng balat.
Mainam ding umiwas sa pagsuot ng masisikip na damit dahil posibleng magasgas ng mga ito ang balat na makapagdudulot ng impeksyon.
Malaking tulong din kung ikaw ay magsusuot ng maluwag at komportableng pang-ibaba sa tuwing mainit ang panahon. Mababawasan ang pamamawis mo pag ganito ang suot mo. Tandaan, ang pagpapawis ay gustong-tuso ng mga mikrobyo na nagiging sanhi ng hadhad.
Kung ikaw ay may alipunga, mahalagang ma gamot mo na ito kaagad. Kapag ito ay naagapan nang maaga, tiyak na maiiwasan mong mahawa ng impeksyon ang singit mo sa pamamagitan ng paggamit ng magkaiba o magkahiwalay na tuwalya sa tuwing patutuyuin mo ang iyong mga paa at hita.