Narito Ang Mga Mabisang Gamot sa Ulcer!

Ang gamot sa ulcer ay depende sa kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng sakit na ito, at depende na rin sa lala ng sintomas na ipinakikita sa mga pagsusuri na isinagawa ng mga doktor.

Hindi na bago ang salitang ‘ulcer’ sa ating mga Pinoy. Madalas, kapag madalas sumakit ang sikmura o malipasan ng gutom, naiuugnay na agad ito sa naturang karamdaman.

Ngunit hindi makatitiyak ang isang tao kung ulcer nga ang kaniyang sakit hangga’t hindi niya nalalaman kung ano nga ba talaga ang sakit na ito, mga sanhi at sintomas nito, kung paano ito gagamutin at maiiwasan. Isa ka ba sa nakararami na alam lamang ang ulcer bilang isang salita at wala nang iba pa?

Huwag mag-alala dahil sa artikulong ito, marami kang matututunan. Isa na rito ang pinaka-mabisang gamot sa ulcer. Pero bago mo malaman ang mga epektibong panlunas, alamin mo muna ang mahahalagang impormasyon tunkol sa sakit.

Ano ang ulcer?

Ang ulcer ay ang pagkasugat o pagkasira ng lining ng sikmura ng isang tao.

Ang ulcer, isang uri ng karamdaman na hindi dapat ipag-walang-bahala. Kadalasan, ang sanhi ng ulcer ay konektado sa mga pagkaing kinokonsumo ng isang tao. Dagdag pa rito, ang ulcer ay kilala rin sa salitang gastric ulcer na nagdudulot ng pananakit sa stomach lining.

Ang karamdamang ito ay isang klase ng peptic ulcer illness na kung saan naaapektuhan nito ang small intestine at ang sikmura.

Ano ang sanhi ng ulcer?

Ang lipas gutom, impeksyon sa sikmura at pangmatagalang pag inom ng ilang partikular na uri ng gamot ang siyang maituturong sanhi ng ulcer.

Madalas, isinisisip ng ilan na ang pagkakaroon ng ulcer ay dahil sa pagpapalipas ng gutom. Imbes na ang pagkain ang tinutunaw ng asidong nasa sikmura, ang pinaka-lining na pala ng tiyan ang kinakain ng asido kapag palaging gutom o nalipasan na ng gutom ang isang tao.

Subalit isa rin sa sa mga sanhi ng karamdamang ito ang ang impeksyong dala ng bacteria na tinatawag na helicobacter pyrlori.

Isa pang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman ay ang matagal na paggamit o pag-inom ng tinatawag na NSAIDs o Neo inflammatory drugs kagaya na lamang ng ibuprofen, aspirin o naproxen.

Ano ang mga sintomas ng ulcer?

Isa sa ordinaryong sintomas ng ulcer ang masakit at minit na pakiramdam sa gitnang parte ng tiyan o sikmura.

Ang mga sintomas na makikita at mararamdaman sa sakit na ulcer ay iba-iba. Ang mga ito ay naaayon sa lala ng sakit o discomfort na dinaranas. Isa sa ordinaryong sintomas ng ulcer ang masakit at minit na pakiramdam sa gitnang parte ng tiyan. Ito ay dadalasang masakit sa tuwing nagugutom o walang laman ang tiyan.

Ang sakit ay tumatagal ng mahahabang o ras na kung minsan ay inaabot na ng ilang araw.

Narito ang ilan pang mga sintomas:

  • Matinding sakit ng tiyan
  • Biglaan at matinding pagbaba ng timbang at pagpayat
  • Kawalan ng gana hanggang sa tuluyan nang hindi makakain dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman
  • Pagsusuka
  • Madaling mabusog kahit na halos wala pang kinakain
  • Madalas dumidighay o acid reflux
  • Maitim at malambot ang dumi
  • Nagsusuka na may kasamang dugo kaya naman ay kulay kape ang suka

Kapag nakaramdam ka na ng ilan o karamihan sa mga nabanggit na sintomas, mainam na kumonsulta na sa doktor. Maging ang mga simlpeng indikasyon ng ulcer ay puwedeng lumala kung hindi hindi mo bibigyan ng pansin ang mg aito. May uri ng ulcer na nagdurugo at ang dalang panganib nito ay maaaring makamatay.

Ano ang gamot sa ulcer?

Maaaring magbigay ang doktor ng gamot sa ulcer depende sa mga sintomas na nararamdaman at sa resulta ng mga tests na ginawa para sa sakit na ito.

Ang gamot sa ulcer ay naaayon sa tindi ng pag-atake nito sa tao. Depende rin ito sa mga sintomas na nararamdaman at resulta ng mga pagsusuri kung gaano ito kalala, maaaring magbigay ang doktor ng gamot depende sa mga sintomas na nararamdaman at sa resulta ng mga tests na ginawa para sa sakit na ito.

May mga pagkakataong kakailanganin na ang operasyon para mawala an ulcer. Kung ang sanhi ng sakit na ito ay H.pylori, maaaring magriseta ang doktor ng antibiotics o gamot na kung tawagin ay proton pump inhibitors. Ang gamot na ito ay nakatutulong para mapigilan ang stomach cells na maparami ang acid.

Narito ang ilan pang maaaring irekomenda ng doktor:

  1. Mga gamot na nakapagpapapigil sa pagmu-multiply ng acid o tinatawag na H2 receptor blockers
  2. Ipatigil ang paggamit o pag-inom ng lahat na NSAIDs, kabilang na dito ang mga over the counter medicines para sa ulcer
  3. Probiotics
  4. Endoscopy
  5. Bismuth supplement

Hindi lamang ang mga gamot para sa ulcer ang dapat mong malaman. Maging ang mga side effects na maaaring idulot nito ay dapat mo ring alamin. Narito ang ilan:

  1. Makakaramdam ng matinding discomfort
  2. Nahihilo matapos uminom ng gamot
  3. Sumasakit ang ulo
  4. Nagtatae
  5. Sumasakit ang tiyan

Ang mga naturang side effects ay puwedeng pansamantala lang. Bagama’t panandalian lang, kailangan pa ring kumonsulta sa doktor lalo na kapag tumatagal na ang sintomas na nararanasan. Sa pagkakataong ito, maaaring palitan ng doktor ang nauna na niyang iniresetang gamot.

Kung ikaw ay may ulcer, mas makabubuti kung kakain ka ng mga masusustansiyang pagkain. Ang mga sinaunang paniniwala na may mga pagkaing maaaring makapagdulot ng ulcer ay mali. Sa katunayan, may mga pagkain pa ngang makatutulong para maibsan ang mga sintomas ng ulcer na nararamdaman. Narito ang ilan:

  • Broccoli repoloyo, labanos at cauliflower
  • Green leafy vetebables tulad ng alugbati
  • Mga pagain o inuming sagana sa probiotics gaya ng yogurt
  • Olive oil
  • Strawberries, blueberries, blackberries at raspberries
  • Mansanas

Ang mga ito ang mga pangunahing pagkaing dapat kainin ng isang taong may ulcer. Ang mga ito ay makakatulong para maging mas malakas ang katawan at malabanan ang sakit.

Hindi rin naman kinakailangan palaging gumastos at bumili ng gamot at pagkain para maibsan ang ulcer. May mga home remedies din na maaaring subukan tulad ng:

  1. Honey
  2. Mga pagkaing may taglay na glutamine gaya ng isda, manok, cabbage, itlog, spinach at repolyo

Paano makaiiwas sa ulcer?

Ang pagpapanatili ng malinis at malusog na mga kaugalian sa pagkain kasabay ng pag-iingat sa mga gamot na iniinom mo ay siyang mabisang paraan upang makaiwas ka sa pagkakaroon ng ulcer.

Kung hindi ka pa nagkaka-ulcer at natatakot kang magkaroon nito, huwag nang matakot at mag-alala.May mga paraan naman para maiwasan ang sakit. Hindi kailangang gumastos at bumili ng mga gamot. Natural na remedyo ang pinaka-epektibong pamamaraan. Narito ang ilan sa mga dapat gawin:

  1. Maghugas nang mabuti ng kamay lalo na bago kumain para maiwasan ang pagkalat ng bacteria.
  2. Gumamit ng sabon at tubig sa tuwing maghuhugas ng kamay.
  3. Siguraduhing lutong-luto ang pagkaing kinakain.
  4. Siguruhing malinis ang mga kamay habang naghahanda ng pagkain at habang kumakain.
  5. Huwag uminom ng mga self-medicated na gamot. Siguraduhing mga nireseta lamang ng doktor ang iinumin.
  6. Iwasang magpalipas ng gutom.
  7. Umiwas o tumigil na sa pag-inom ng napakaraming alcohol na inumin.

Ang ulcer ay puwedeng maging mapanganib kapag napabayaan. Mas mainam kung ikokonsulta agad sa doktor ang mga nararamdamang sintomas.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top