Mahahalagang Impormasyon Tungkol sa Sakit sa Tagiliran

Madalas bang sumakit ang tagiliran mo? May mga araw na ang sakit ay nararamdaman sa kanan, may mga araw namang sa kaliwa nararamdaman ito. Kung nag-aalala ka sa sanhi ng nararamdamang sakit, natural na pakiramdam naman iyan.

Pero dapat, huwag mo ring balewalain ang pangamba maramdaman mo man ito nang madalas o minsan lang. Sadya ngang ang sakit sa tagiliran ay nakapagpapahirap sa karamihan ng mga Pilipino lalo na iyung mga may regular na ginagawa. Sasagutin ng artikulong ito ang mga katanungan mo tungkol sa ganitong karamdaman. Dito, madidiskubre mo ang mga sanhi ng sakit sa tagiliran, mga sintomas at gamot nito, at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang sakit sa tagiliran?

Ang pananakit ng tagiliran ay isa sa pangunahing sakit na iniinda ng mga Pilipino dahil na rin siguro sa pagiging masipag natin. Ang pananakit na ito ay maaaring maging mahina hanggang sa napakasakit anupat maaari itong makasagabal sa pang araw-araw na mga gawain.

Isang uri ng sakit sa tagiliran ay iyong nararamdaman sa may kaliwang bahagi. Marami ang nakakaranas nito. Sila ay talaga namang pinahihirapan ng ganitong kondisyon. Madalas pa nga, ang karamdaman ay nagiging dahilan ng sobrang pangamba.

Bago pa man mag-isip ng kung ano-ano, alamin mo muna kung ano ang mga posibleng sanhi ng pananakit.Una na rito ang pagkapunit at pagkabugbog ng mga kalamnan sa kaliwang parte ng likod. Ito ay may posibilidad na maging sanhi ng nararamdamang sakit.

Malamang, nabugbog na ang mga muscles habang ikaw ay kumikilos. Posibleng nagkamali ka ng posisyon sa pagtulog sa gabi kaya sumasakit ang tagiliran kinabukasan. Ang tawag sa ganitong pakiramdam ay muscle strain.

Dahil dito, ang pinaka-pangunahing dahilan ng sakit sa kaliwang bahagi ng tagiliran, ay nagsisumula sa pagsusuri ng doktor. Ikaw ay tatanungin tungkol sa medical history mo. Ikaw ay sasailalim sa pisikal na pagsusuri para matukoy kung ikaw ay may kalamnang napunit, may sumasakit sa tuwing ikaw ay nag-eehersisyo, at nanghihina ang iyong kalamnan.

Kahit pa malala ang sakit, huwag kang mag-alala dahil ito ay isa lamang uri ng muscle strain at mawawala ito ng kusa pagkalipas lang ng ilang araw.

Ano ang sanhi ng sakit sa tagiliran?

Ang pagbugbog o pagkapunit ng iyong kalamnan sa may tagiliran ay isa sa pangkaraniwang dahilan kung bakit masakit ang tagiliran mo. Maaari ring may problema ka sa partikular na organo sa tiyan mo.

Kapag ang sakit sa kaliwang tagiliran ay hindi naman dulot ng mga isyu sa mga kalamnan, may posibilidad na tingnan ng oktor ang mga internal organs mo. Bagama’t minsan lamang kung mangyari ito, maaaring makaramdam ng pananakit sa tagiliran dulot ng iba’t-ibang problema sa iba’t-ibang organo gaya ng problema sa matris, pancreatitis, bato sa bato, pagbubuntis, impekson sa bato at ulcer.

Ang mga mararanasang sintomas ng karamdamang ito kaliwang bahagi ng tagiliran na sanhi ng iisa lamang na problema sa internal organ ay posibleng iba-iba ayon sa kung mga apektadong parte. Ang medical history mo kamakailan lang ang pinaka-pagbabasehan ng pagususuri ng doktor mo kung alin sa mga organo ang pinanggagalingan ng mga sintomas. Ang mga uri ng mga pagsusuring gagawin sa iyo ay CT scan, x-ray at blood tests. Ang mga ito ang siyang makapagsasabi kung anong partikular na organo ng iyong katawan ang nakakaranas ng problema.

Ano ang mga sintomas ng sakit sa tagiliran?

Ano mang bahagi ng tagiliran mo, kaliwa man iyan o kanan ang sumasakit, may mga pangkaraniwang sintomas kang mararamdaman. Ilan sa mga sintomas na ito ang mga sumusunod:

  • Masakit ang tagiliran sa bandang ilalim ng iyong tiyan
  • Nananakit ang gilid ng tiyan sa ibabang parte ng ribs
  • Nakakaramdam ng sakit sa tagiliran sa tuwing ikaw ay umiihi o dumudumi
  • Namimilipit na sa sakit
  • Nakakaramdam ng sakit sa tuwing hihiga (at habang nakahiga), yuyuko o tatagilid

Ano ang gamot sa sakit sa tagiliran?

May mga gamot naman para sa sakit sa tagiliran. Ang mga ito ay formulated para maibsan kahit pansamantala lang, ang sakit ng ilang parte ng iyong tagiliran.

Para malaman kung anong gamot ang dapat inumin, mas mainam na kumonsulta sa pinagkakatiwalaang doktor. Siya lang ang makapagsusuri nang mabuti sa iyong tagiliran.

Siya rin ang nakakaalam kung ano ang pinaka-epektibong gamot na dapat subukan. Isa sa madalas na ireseta ng doktor para maibsan ang sakit sa tagiliran ang Mefenamic Acid. Tanging ang mga may edad 12 taon pataas lamang ang pinapayuhang uminom ng ganitong klase ng gamot.

Epektib ang gamot na ito kung iinom ng isang tablet kada anim na oras. Dapat may laman ang tiyan kapag uminom nan g Mefenamic Acid.

Paano makaiiwas sa sakit sa tagiliran?

Wala eksaktong pamamaraan para makaiwas sa sakit sa tagiliran dahil bigla-bigla na lamang ito sinusumpong.

Pero pag nakaramdam ka na ng kaunting pananakit ibig sabihin ay nag-uumpisa na ang pagsakit ng iyong tagiliran. Ang good news ay, maaari mong maagapan ang paglala nito. Sa umpisa pa lamang ng sintomas, mainam na magpak-check-up na para sa mga kakailanganing tests at iba pang pagsusuri.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top