Mga Gamot sa Pantal na Dapat Subukan

Madalas ka bang magka-pantal? Marahil, nasubukan mo na ang lahat ng gamot sa pantal para maibsan ang pakiramdam mo.

Ang mga pantal ay hindi naman maikokonsiderang isang uri ng sakit. Sa halip, ito ay isang sintomas ng karamdaman sa balat ka palaging kaakibat ng pamamaga at pagbabago ng kulay ng balat.

Kadalasan, ang pamamantal ay nangyayari sa mga taong may alipunga o eksema. Ang pantal ay dulot ng mga impesyon tulad ng virus, fungi o bakterya.

May mga gamot sa pantal kang mabibili sa botika na hindi na kailangan pa ng reseta ng doktor. Alamin sa artikulong ito ang mga sanhi at sintomas ng pamamantal, mga gamot dito at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang pantal?

Tinatawag din ‘tagulabay’ ang pantal. Ang laki at hugis nito sa balat ay iba-iba. Kung tutuusin, karaniwang sakit na lang ang pantal. Pag may nakitang kang mapula at nakaumbok na balat, madalas, hinahayaan ba lang.

Para sa iba, ang pantal o rashes ay hindi naman na maituturing na sakit. Sa halip, ito ay isang klase ng sintomas ng sakit sakit sa balat kung saan, ito ay palaging may kasabay na pamamaba at pagbabago ng kulay ng balat.

Normal o ordinaryo na lamang ang paglitaw ng mga pantal sa isang indibidwal na may alipunga o eksama. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng pantal ay sanhi ng mga impeksiyon sa balat gaya ng fungi, virus o bakteriya.

Mayroong mga gamot sa pantal na nabibili over the counter. Pero dapat tandaang ang pagkakaroon ng pantal at hindi naaalis sa nang ilang araw na, at hindi pa malaman ang naging sanhi, ay kinakailangan na ng tulong ng doktor.

Ano ang sanhi ng pantal?

Katulad ng nabanggit na, Napakaraming maaaring maging rason kung bakit nagkakaroon ng pantal. Magkakaiba rin ang mga sintomas na puwedeng maranasan.

Bago pa man alamin kung ano-ano ang mga sintomas ng pantal, importanteng malaman muna ang sanhi, sintomas at gamot sa pantal, pati na rin ang mga paraan ng pag-iwas dito. Narito ang ilang mga sanhi:

  1. Nagsusuot ng damit na gawa sa seda
  2. Napadikit ang balat mo sag rasa
  3. Naidikit mo ang balat mo sa langis
  4. Reaksyon sa, o epekto ng mga iniinom na gamot
  5. Gumagamit ng matapang na sabon at iba pang mga pampahid sa balat
  6. Nasobrahan ka sa pagkakamot
  7. Stress o kaigtingan

Ano ang mga sintomas ng pantal?

Napakadaling matukoy ng mga sintomas ng pantal. Kung ang balat ay mapula at namamaga, walang kaduda-dua, ito ay may pantal.

Maaaring kumalat ang pantal sa iba’t-ibang bahagi ng katawan lalo na kapag ang sanhi ng pamamantal ay allergy.

May mga pagkakataon ding ang pantal ay sanhi ng diaper rash sa bata. Kapag ganito ang sitwasyon, puwedeng umabot hanggang puwet at ari ni bunso ang pantal. Maaari rin itong umaot hanggang sa kaniyang singit.

Ano ang gamot sa pantal?

Kung ang pamamantal ay hindi naman sanhi ng mas malalang mga karamdaman, magagamot mo ito sa pamamagitan ng natural na mga lunas.

Katulad ng nabanggit kanina, ang pamamantal ay may iba’t-ibang dahilan. Kadalasan, ang pantal ay ordinaryong karamdaman na lamang kaya naman hindi rin komplikado ang gamot para dito. Sa katunayan, maaari pa ngang malunasan ang pantal sa natural na paraan. Narito ang ilan sa mga organiko o natural gamot sa pantal na maaaring makatulong sa iyo:

  1. Langis ng niyog o coconut oil – Ito ay mabisa kung ipapahid ang oil nang dahan-dahan sa apektadong balat. Pagkapahid, iwanan lamang ng ilang oras at ulitin ito ng 2 beses kada araw-araw hanggang sa tuluyang paggaling ng mga pantal.
  2. Sabila o aloe vera – Ang halamang ito ay may taglay na gel na nakapagpapabilis ng healing process ng iyong pantal.
  3. Green tea – Ito ay may taglay na polyphenols na tumutulong para mabawasan ang pamamagang nagiging dahilan ng pamamantal. Ang green tea ay may angking polyphenols na nakakatulong sa pagbabawas ng pamamaga na madalas na nagiging dahilan ng pamamantal.
  4. Lotion – Hindi naman lahat ng uri ng lotion ay papagalingin ang pantal mo. Dapat, calamine lotion ang gamitin dahil ito ay natatrabaho ito bilang astringent at protectant sa iyong balat. Ang ganitong lotion ay may sangkap na tumutulong para mabawasan ang pangangati.

Paano makaiiwas sa pantal?

Ang pag-iwas sa kagat ng mga insekto tulad ng lamok at iba pa ay siyang pinakamahusay na paraan upang para makaiwas sa pantal.

Madalas, ang pantal ay nagmumula sa kinamot na parte ng balat. Ang pagkakamot na ito ay maaaring dulotng kagat ng lamok o allergy. May mga paraan para maiwasan ang paglitaw ng pantal, o ang paglala at pagkalat nito. Ilan sa mga dapat gawin ang:

  1. Pag-iwas sa kagat ng lamok sa pamamagitan ng pagpahid ng lotion o pagspray ng mga pangontra sa lamok.
  2. Iwasan ang madalas na pagsusuot ng dark-colored na mga damit.
  3. Gumamit ng kulambo sa tuwing matututlog lalo na sa gabi.
  4. Palaging magpahid ng mga insect repellent lotion

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top