Ano Ba Ang Mabisang Gamot sa Kabag?

Ang gamot sa kabag ay may iba-ibang uri ayon sa sanhi nito, gunit kadalasan nang nagbibigay ang doktor ng antacid para lunasan ang mga sintomas ng kabag. May natural na mga pamamaraan din upang maiwasan at malunasan ang kabag.

Nagka-kabag ka na ba? Kung tutuusin, lahat na yata ng tao dito sa mundo ay kinabagan na. At dahil dito, maituturing nang isang pangkaraniwang karamdaman ang kabag. Pero hindi naman ito dapat balewalain. Kung minsan, ang akala nating kabag lang na nawawala rin sa maiksing panahon, ay isa na palang mas malalang sakit.

Sa artikulong ito, mas malalaman mo pa kung ano ba talaga ang sakit na ito, paano ito nakukuha, ang mga sanhi ng kabag, mga gamot nito at kung paano ito malulunasan.

Ano ang kabag?

Ang kabag ay isang uri ng implamasyon, iritasyon, o pamamaga ng lining na matatagpuan sa loob ng bituka o tiyan. Dahil dito, nagiging mukhang inis at mapula ang loob ng tiyan ng isang tao. Ang tawag sa kabag sa wikang Ingles ay Gastritis.

Ang kadalasang sanhi ng kabag ay ang pagdapo ng ipmeksyon sa katawan dulot ng bakteriya. Subalit napakarami pang iba’t-ibang dahilan ang pagkakaroon ng kabag. Kabilang na rito ang pag-inom ng alak, ang madalas na pag-inom ng pain reliever at paninigarilyo


May dalawang uri ng kabag o gastritis: ang Acute Gastritis at Chronic Gastritis. Ang unang nabanggit ay ang biglaan pagdanas ng pamamaga o implamasyon ng ng lining sa loob ng tiyan. Ito ay kadalasang pansamantala lamang at kalimitan, panandalian lamang ang padanas nito. Para naman sa Chronic Gastritis, ito ay ang unti-unting pamamaga ng naturang lining sa loob ng tiyan dulot ng iba’t-ibang sanhi.

Ano ang sanhi ng kabag?

Ang pinaka-pangkaraniwang sanhi ng kabag ay pagdanas ng impeksyon sa lining sa loob ng tiyan. Ang tawag bakteriyang nagdudulot ng kabag na ito ay Helicobacter Pylori. Madalas, kapag nahawaan na ng bakteriyang ito, ito ay didikit agad sa lining ng sikmura.

Sa liing na ito nananatili at nagdudulot ng pamamaga ang bakteriya. Malaki rin ang posibilitdad na matapos dumikit ang bakteriya sa lining ay manatili na ito roon na kung minsan ay aabot pa ng taon. At sa loob ng mga taong ito ay nasa loob lamang ng tiyan ang bakteriya at unti-unting sinisira ang lining ng sikmura. Narito ang ilan sa mga sanhi ng kabag:

  1. Madalas na pag-inom ngmga gamot na pain reliever.
  2. Impeksiyon na nanggagaling sa ibang bakteriya, virus at iba pang mga parasite.
  3. Bile reflux – ito ay kadalasang nangyayari kapag ang bile na kakaibak sa atay ng isang tao ay napapunta na sa sikmura sa ano mang dkadahilanan. Ang bile ay maituturing na mas malakas kapag ito ay ikukumpara sa asido ng tiya na nagdudulot ng paninira ng lining ng sikmura.
  4. Madalas o regular na paninigarilyo at pag-inom ng alak .

Ano ang mga sintomas ng kabag?

Kasama sa pangkaraniwang mga sintomas ng kabag ang pagsusuka at pagkahilo, palaging busog ang pakiramdam kahit wala pang kinain, matindi ang pananakit ng tiyan sa gabi o habang kumakain, madalas na pagdighay, pag-utot at pagsisinot at iba pa.

Napakaraming sintomas ng kabag. Kaya naman ayon sa mga eksperto, hindi inirerekomenda ang agarang pag-inom ng gamot sa tuwing makakaranas ng kabag lalo na’t hindi sigurado kung ito nga ba talaga ang sakit na nararanasan. Iba-iba ang sintomas na nararamdaman ng isang taong may kabag. Karamihan dito mga indikasyon din ng iba’t-ibang mga sakit ng tiyan. Ilan sa mga sintomas ang mga sumusunod:

  • Pagsusuka at nausea
  • Palaging busog ang pakiramdam kahit wala pang kinain
  • Matindi ang pananakit ng tiyan sa gabi o habang kumakain
  • Madalas na pagdighay, pag-utot at pagsisinot
  • Dyspepsia o indigestion (pananakit ng tiyan matapos kumain)
  • Paglobo o paglaki ng tiyan kahit pa hindi malakas kumain

May mga pagkakataong ang isang tao ay hindi naman nakakaramdam ng sintomas ng kabag subalit lumalabas lamang ang sitnomas kapag mas malubha na ang sakit. Narito ang ilan sa mga sintomas:

  • Pabalik-balik na panandaliang sakit ng tiyan
  • Pangangasin ng bibig dulot ng mataas na asido na nanggagaling sa tiyan
  • Maitim, malagkit, mapanghi at parang nabubulok na dumi
  • Pagsuka ng dugo
  • Hindi sapat na pag-inom ng gamot sa kabag kapag nakaranas na ang mga nabanggit na sintomas at kumirmado na ang sakit

Ano ang gamot sa kabag?

Ang pag-inom ng antacid ang panginahing first aid para sa kabag. Subalit ang gamot sa sakit na ito ay depende sa kung ano ang sanhi nito. Importanteng matandaan na hindi basta- basta ang mga pag-inom ng mga gamot na ito lalo na’t hindi ordinaryo ang mga ito.

May posiilidad na maging epektibo ang isang klase ng gamot sa kabag na dulot ng bile reflux subalit hindi naman ito epektibo sa ibang sanhi tulad na lamang ng anemia. Isa sa mga maaaring panlunas ang antibiotic. Ito ay nakapagpapagaling sa kabag na sanhi ng virus a bakteriya. Karaniwan, ang antibiotic ay iniinom ng hanggang dalawang linggo. Ngunit may posibilidad din namang mas maikli lamang o mas matagal ang pag-inom, depende sa lala o dami ng bakteriyang pumasok sa loob ng lining ng tiyan.

Kadalasan, ang inireresetang antibiotic ng mga doktor sa sakit na kabag ay ang Amoxicilin, Tetracycline, Metronidazole at Clarithromycin.

Kapag ang dahilan ng kabag ay ang pagkakaroon ng napakaraming asido sa tiyan, nagrereseta na ang doktor ng gamot na antacid. Ang panlunas na ito ay nagbabalanse ng mga asido sa tiyan ng tao upang maging mas matibay o matatag uli ang tiyan. Importanteng tandaan na ang pag-inom ng antacid ay posibleng maging sanhi ng constipation o diarrhea bilang side effect.

Para naman sa mga may mas maraming asido sa loob ng tiyan, mayroon ding mga gamot na nakapagpapatigil o nakapagpapabawas sa pagdami at paglala nito.

Malaking tulong ang pagbabawas ng asido sa tiyan upang mas mapabilis pa ang paggaling ng lining sa sikmura. Ilan sa mga gamot na ito ang Lansoprazole, Cimetidine, Omerprazole at Ranitidine.

Paano makaiiwas sa kabag?

Ang pina-epektibong paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng kabag ay ang pagsunod sa balanced diet at tamang ehersisyo.

Isa sa mga mga pinakamabisang gamot sa lahat ng sakit kabilang na ang kabag ay ang pag-iwas dito. Kapag naagapan nang maaga ang kabag, hindi na kinakailangan pang uminom ng gamot. Ang pina-epektibong paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng kabag ay ang pagsunod sa balanced diet. Ibig sabihin, dapat bantayan ang lahat ng kinakain araw-araw.

Importanteng malaman kung ano ang magagawa ng mga kinakain mo sa iyong katawan. Ang pagbabantay ng diyeta ay nakatutulong din para mas malaman pa kung ano ang mga dapat at hindi dapat kainin at inumin. Subukan ding magbawas o tumigil na sa pag-inom ng alak at regular na paninigarilyo upang masiguradong palaging malinis ang loob ng katawan at mapanatiling malusog ito.

Leave a Comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Scroll to Top